Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Wednesday, January 26, 2005

(Chacón) Kalsada...

Hay naku, napupuno na ang aking utak nito:

Ngayon college lang ako natututo magmaneho sa kalsada mismo...So, parang fresh experience palang sakin ang mga kalye ng Maynila...(Nung highschool kasi, hanggang sa may village at garahe lang ako pinagdadryb)...Anyway, sa anim na buwan na ginugol ko sa pagmamaneho, na-"shock" ako sa ilang mga ugali ng mga ibang motorista sa mga kalye ng Maynila, pati na rin sa aking probinsya...Share ko na sainyo...

SORSOGON CITY (November 04):

Sembreak.Strike din sa aming siyudad. Nagpamaneho lang ang nanay ko sa lugar na kanyan pinagtatrabahuhan. On the way home, nakita ng nanay ko ang isang kaibigan na naglalakad sa sidewalk kaya sabi niya: "Anak, mag-u-turn ka nga para maisabay natin si Dra." Agad naman akong tumugon, naghanap ako ng magandang lugar na pwede ikutan kaya nagmenor ako. At nang makita ko ang tatlong motorsiklo nagmenor para pagbigyan ako, nag-u-turn ako. Sa gulat ko, at sa pagsigaw ng nanay ko, napansin ko na may motorsiklong sasalpok sa aming sasakyan. At ayun, sumalpok sila. Tumilapon ang mga sakay. (Mabuti na lang at walang nasaktan, may na-betlogan nga lang). Tapos, mukhang napa-init ko ata ang ulo nung naka-motor, kaya tiningnan niya ako at parang nanghamon. Mabuti na lang at nandoon ang pagkatapang-tapang kong nanay para tarayan. At walang away na naganap. Unang pagkakataon ko itong masangkot sa isang banggaan, hindi ko alam ang gagawin kaya ako pa itong nag-sorry sa naka motor; tinabi ko rin kagad ang kotse (baka kasi makaabala sa trapik), mali pala yun, dapat, hinihintay muna ang pulis para i-document at pag-aralan ang eksena. Unfortunately, pulis pala yung isang naka-angkas sa motor. Agad niya akong nilapitan at tinanong: "May lisensya ka nonoy?". Na-insulto ako nun, para kasing nagmukha akong supót na hindi pa pwedeng magkaroon ng lisensya. Pero, noong oras na iyon, may NON-PROF license na ko. Sa sobrang pagpakumbaba ko, ako pa ang nasermonan nung naka-motor. "Hindi ko daw ba nakita na nakabwelo siya pababa?"

Umuwi ako sa bahay na nanginginig, nagkaroon ako ng feeling noon na ayoko na magmaneho ever.

Kamakalawa, ayon sa imbestigasyon ng pulis at testimonya ng mga nakakita: ang mali raw talaga ay yung nakamotor, masyado daw kasi itong mabilis. Sa bagay, yung ibang motor nakapag-menor pa duhbah? At pagpababa ang kalsada sa isang populated area (na medyo blind curve pa) dapat hindi mabilis ang pagtakbo. At ang mabigat dito, walang lisensya ang nagmamaneho ng motor.

KATIPUNAN-malapit sa BALARA (January 2005)

Nagmamaneho ako pauwi pagkatapos ng PP17 class natin. Sa gulat ko, biglang may nag-cut na motorsiklo (na naman) sa harap ko. Mabuti na lang at mabagal lang ang takbo ko kung hindi nabangga ko na siya (At ngayon, hindi na ako hihingi ng sorry sa mga reckless drivers, conditioned na ako para makipag-away ;) ). Noong oras na iyon, may papalabas na service vehicle mula sa MWSS, kita ko naman na maingat na lumiliko yung service vehicle papuntang Katipunan; sa bilis ng motor, muntik pa siyang sumalpok sa hood nung MWSS vehicle, nakaiwas naman kasi siya (mga 1-2 inch na lang ang pagitan). So ayun, walang salpukan ang naganap. Pero ang kinainis ko, eto pang nakamotor ang may apos mamakyu (mag dirty finger; pak yu) dun sa driver ng service vehicle. Siya na nga itong mali.


GANUN NA BA KA-INEFFECTIVE ANG SISTEMA DITO? ANG DAMING MOTORISTA ANG WALANG LISENSYA, AT HINDI NABIGYAN NG SAPAT NA EDUKASYON SA ROAD SAFETY, RULES at ETHICS?

Sa totoo lang, nung kumuha ako ng lisensya, dinaya na lang yung exams sa road rules/safety/ethics. Binigyan na lang ako dun sa LTO ng "mahiwagang notebook" kuno kung saan makikita ang letters ng mga sagot. Pasalamat na lang sila at since Grade 5 pa ako nag-aaral mag-drayb kaya sobrang nasabi na ata sakin iyong mga rules. E papaano yung iba? Na basta basta na lang pinagmaneho? At hindi man lang nag-driving school? Ayokoman mag-discriminate, pero isa sa mga umaabuso ay ang hari ng kalsada. Sinong hindi matatakot na bigla na lang liliko ang isang dyip mula sa lane na malayo sa lilikuan?

May long-term effects ito sa atin. Sa future, malalaman na lang natin na ang worst drivers ay matatagpuan sa Pinas. Sa ngayon ata, Greece at Italy ang holder ng titles na yan...

Wala lang, na-share lang. Mag-ingat po tayong lahat.:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home