Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Wednesday, January 26, 2005

(Chacón) Mega-Wednesday...Lagot?

Napaka-loaded ng aking Wednesday...First time kong mag-drive pa UP ng walang bantay...Anyway, hindi naman ako nabunggo or nakabunggo...

Virtually, parang naitakas ko lang yung kotse namin sa bahay...Walang nakakaalam nun kundi ang yaya sa bahay at yung driver namin...Kaya nung nalaman na ng lahat, wala na silang magawa...Nasa UP na ako!!! Bukod pa dun, hindi nila ako nahabol dahil color coding yung back-up car namin. :devil:

Nagsimula ang araw ko nang pumunta ako sa talyer na pinag-ayusan ng kotse ko…Walang ****! Ang laki ng inabot…Matapos nun, excited ako dumiretso pa Peyups.

Sobrang naabuso ko ang kotse ko today, Nagdraybdrayb ako around UP ng ilang beses..Wahahaha!!! At naka joy ride ko din sila Abby at Karen. Yihee!

Anyway, updating kanina sa UP, sa psych dept...akala ko mega-haba yung pila...di naman pala...then after lunch, inasikaso ko na lang yung interview namin for COMM3...Initially, isang "Caces" survivor sana interviewee namin, kaso, di siya available at our specified time...Kaya, naghanap kami ng bagong i-interbyuhin at ang nakuha namin ay si Mr. Teodoro Gadaingan, isa siya sa mga janitors ng AS. Mabait naman kaming tinanggap ni sir, pareho kasi kaming makulit ng partner ko. Anyway, si sir po yung "horizontally challenged" (euphemism) na janitor ng AS...Anyway, sobrang bait talaga niya!!!

After that, dumaan lang ako sa bahay ng pinsan kong si Ian para kunin yung DVD ko ng “Windstruck”, then nagkayayaan kami pumunta sa Ateneo para sunduin yung isa ko pang pinsan…Sa Ateneo, ang tagal bago namin nahanap yung pinsan ko, kaya nag-canteen muna kami para masaya, unexpectedly, na-chempohan din namin dun yung isa ko pang pinsan…Oo, balwarte ng mga Chacón ang Ateneo de Manila University. E di ayun, nag-snack kami nang sabay-sabay (bonding) at nakita ko rin dun mga classmates and close friends ko sa SEP (summer school sa Ateneo high)- pero, hindi na nila ako nakilala…Oh well, semi-kalbo kasi ako nung time na nakasama ko silang lahat (2 summers!!!). At ang cherry on top of the cake: nakita ko si Maxine Magalona (ang anak ng dakilang si Francis M.)…Wala siyang kasama sa table, pero sino ba naman ako para lumapit sa kanya!? Hehe…

So ayan, afterng Ateneo madness, dumaan naman ako sa Riverbanks kasama ang pinsan ko- sa Riverbanks kasi ako bumili ng token of appreciation para sa interviewee namin…At nasalubong ko pa yung isa kong pinsan (na med student sa UERM) at ang bespren niya, si Yuri. At eto na, (dugdug-dugdug) tumatawag si mommy sa aking cellphone…Impernes medyo kinabahan ako nun. Takot akong sumagot sa telepono, pero impernes ulit, di naman ako nasigawan, pero pinauwi na ako. Agad-agad naman akong tumakbo papuntang parking lot (parang Power Ranges na nagkakandarapa pumunta sa Robot nila). At ako’y umuwi na. Fortunately, walang traffic kaya nakauwi na din ako…

Woah. Nakauwi ako without a scratch.
Argh. Ang sakit ng ulo ko.

Yikes, may papers pa pala akong kailangan gawin.

Gagawin ko pa pala ang extension ng Zsazsa Zaturnnah para sa PP17/

Sana hindi ako maadik sa blog. Three consecutive days na kasi ako nagba-blog eh.

:approve:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home