Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Monday, February 14, 2005

(Chacón) Parody...

Wala lang...Baka interested kayo tingnan yung parody na isinumite ko kay Sir...Matagal ko na rin pinagiisipan na gagarin ang kantang ito, at sa PP17 ko lang ito nagawa...

Anyway, totoo naman lahat nang sinasabi sa parody na to eh (para sakin oo).

Migrate Tayo (Panggagagad ng “Biyahe Tayo”)

Ikaw ba’y naghihirap
Puro badtrip walang sarap?
Ikaw ba’y nasasalat
Kahit sa work laging banat?

Sweldo mo ba’y walang saysay
Pangkain lang, walang pang-mall?
Bawat piso ba’y pareho
Parang walang purchase(ing) power?

Tara na, layas tayo
Kasama ang pamilya
Barangay at buong tropa
At kumita todo-todo.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Napasyal ka na ba
Sa may Sulu at Basilan
Agusan, Tawi-Tawi
Cotabato’t Kidapawan?

Narinig mo na ba
Ang Abu Sayyaf at MILF
Pugot dito, kidnap doon
All in the name of plunder?

Tara na, layas tayo
Bilang nurses at caregivers
Nang makaiwas sa gulo
Kikita pa tayo ng milyon.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Hindi lamang po iyan
Sama mo pa ang libu-libong politiko
Ng mahal kong Pilipinas
Luho, korapsyon, sinungaling sila’y kilala
Sila pa ‘tong dayuhan sa sariling bayan.

Nasubukan mo na bang
Maglakad ‘pag gabi na
Mag-FX every after six
Mag-cellphone sa sidewalk?

Natikman mo na bang
Magahasa sa dilim
Maholdap ka sabay saksak pa
Ma-snatchan ka, ng iyong Nokia?

Tara na, layas tayo
Kung saan ipit pa tayo
Sa krimen at kahayupan
Ng ilan sa ating bayan.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

At alam mo rin ba
Dun (doon) sa bundok at probinsya
Komunista’t rebelde
Dumadagdag pa sa gulo

Nakotongan ka na ba
Ng komunista ng pera
Nawalan ng kamag-anak
Na “pumanik” na pala dun?

Tara na, layas tayo
Upang ating matamo
Kahusayan at kapayapaan
Na nararapat naman sa atin.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Tara na, layas tayo
Upang ating matamo
Kahusayan at kapayapaan
Na nararapat naman sa atin.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Halika, migrate tayo…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home