Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Sunday, March 20, 2005

(Chacón) Ang Kapitalismo sa Internet...Plus ilang mga comments...

Oo.

Hay.

Popular culture ulet.

Pero bago ko talakayin ang gusto kong talakayin, magbibigay lang ako ng ilang comment...Dito ko na lang ilalagay yung ibang comment kasi hindi ko mahanap kung saang blog member yung nagsulat nung entry na nabasa ko...Nakakatamad hanapin kasi sobrang, as in sobrang, bagal na ng internet ko...

----Nakuha ko toh sa blog ni Sir U:(gusto ko lang sagutin)

"Pinatay nila si Robot. Pa'no 'yun makakalaban e wala na ngang binti?"

Sagot ko: Bakit? Hindi ba siya pwede humawak ng baril at machine gun gamit ang kamay niya? Kahit naka-wheelchair pa ang isang tao, pwede pa rin siya humawak ng baril di po ba?

----Tanong ko lang, sir, pano ako naging sexist? Oh well. No-el. If ever sexist man ako, hindi ako aware. Yan ang sinasabi ko sa psychoanalysis.

ANG TOPIC KO NGAYON, KAPITALISMO SA INTERNET...

Hindi natin alam, pero ang internet din ay bahagi ng popular culture sa Pilipinas...In the form of Capitalism pa...Pano ito naging bahagi ng popular culture? Unang-una, ayon sa depinisyon ni Bienvenido Lumbera, galing ang cultural forms na ito sa mga banyaga. Pangalawa, popular ito sa masa. Pangatlo, ang benefits nito ay napupunta sa banyaga.Yan ang capitalism sa internet. Pano ito naging capitalist? Gamitin natin bilang halimbawa ang Friendster at Blog, para naman makarelate tayo. Alam naman nating lahat na patok na patok ang blog lalo na sa Pilipino...In fact, ginagamit pa nga natin ito bilang proyekto sa PanPil17...Ang friendster, sobrang sikat din sa Pilipinas (lagi naman palpak!!! Soree, inis lang ako)...Anyway, ang mga blogsites at friendster ay nangangailangan rin ng maintainance, parang gusali, para maipagpatuloy ang operasyon nito. At siyempre, para ma-maintain ang mga site na ito, kailangan mag-hire ng techie technicians. At sa mundo natin ngayon,san pa tayo makakahanap ng technicians na mag-o-offer ng kanilang dugo at pawis, sa pag-maintain ng huge at complex sites tulad blogs at friendster, for FREE? Siyempre wala...Kailangan ng bayad dahil kailangan rin naman nilang kumain, etc...So ayun, kailangan din silang bayaran ng owners ng blog at friendster...Pero saan nila nakukuha ang pambayad? Dito na papasok ang mga advertisers...Pinapayagan silang maglagay ng ads nila sa mga sites in exchange for huge sums of money...Pero, para maka-attract sila ng advertisers, siniguro nila (owners ng websites) na maraming tao ang dumadalaw sa sites nila. So ayun, gagamitin nila ang kiliti ng masa para maenganyo sila na pumunta sa website nila...So sa kaso ng blog, gagamitin nila ang hilig ng mga tao sa pag-kwento ng kung anu-ano; sa friendster, gagamitin nila ang hilig ng tao na makipag-interact...At pagnakuha nila ang kiliting iyon, marami silang kikitain (pati na rin pagbayad sa maintainance) mula sa mga advertisers...

(Ang haba na ba?)...Anyway, ang punto ko ay, parang ginagamit lang tayo para kumita sila...Impernes, wala naman pakialam ang mga yan sa kung ano man ang kinekwento natin sa blog diba?Or kung ano ang nilalagay natin sa friendster profile natin? Dito na pumapasok ang usapin ng alienation...Alienated ang operators ng sites na yan dahil wala silang pakialam sa mga users nila...Ang alam lang nilang gawin ay kumita ng profits...

Sa mga hindi aware sa kapitalist system na toh, na laganap sa internet, alienated din kayo...Sapagkat, tulad ng sinabi ni Erich Fromm, mahilig tayong tumangkilik ng mga bagay-bagay, hindi naman natin alam kung pano ito gumagana...

Peace sa lahat, goodluck sa remaining days ng hellweek! See you around.:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home