Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Sunday, March 20, 2005

(Chacón) Pelikula at Mood...

Pag mahilig tayo manood ng films with happy endings...Malungkutin tayo...

Ang vice versa...

Malapit na ang psych exams ko...Kaya medyo nagrereview na ko...May nabasa ako something about DEFENCE MECHANISMS ni Sigmund Freud...Sabi niya, kapag hindi natin nakukuha ang ilang sa mga kagustuhan natin, hahanap tayo ng ibang paraan para ma-satisfy ito..Eto ang iba't ibang uri ng defence mechanisms:

1. Repression - ililibing na lang sa "the unconscious" ang kagustuhang iyon.
2. Denial - hindi pagtanggap
3. Reaction Formation - expression of an opposite feeling
4. Projection - ibubuntong sa ibang tao.
5. Rationalization - pag-imagine na lang ng ibang bagay.
6. Intellectualization - tatanggalin ang closeness sa isang tao o bagay.
7. Sublimation - doing socially desirable activities to express aggressive tendencies (hal. pagpinta kaysa manggahasa)
8. Regression - doing childish activities is an example.
9. Displacement - umm...parang papalitan...parang ganun..hehe

Hwekhwekhwek!

Anyway, ang ginawa ng isang malungkuting tao ay ang defence mechanism na RATIONALIZATION...Sa konteksto nila, dahil mahirap abutin ang bagay na makapagpapasaya sa kanila, mag-iisip na lang sila ng ibang bagay na maaaring mag-satisfy ng kagustuhan nilang sumaya...Sa kaso ng maraming Pinoy, mahilig sila manood ng mga happy-ending films para matakpan ang mga kalungkutan sa buhay na nararamdaman nila...Sa pamamagitan nito, nai-identify nila ang sarili nila sa mga tauhan ng pelikula, at parang nararanasan na rin nila ang happy ending sa pelikula, na medyo mahirap mangyari sa realidad.

Sana may sense...Wahaha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home