Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Monday, March 21, 2005

Lapus: Paborito ko din ang Parokya ni Edgar

kaya naman tuwang tuwa ako dati nung pinakinggan sa klase ang madaming kanta ng PnE. sumasangayon ako kay Dane sa entry nya tungkol sa kanila... kontra-pop nga ang music nila at napakagaling talaga ng panggagagad nila sa ibang kanta. hindi sila ordinaryo pero simple lang sila. parang kahit anong mangyari, kahit sobrang sikat na sila ay hindi pa rin sila yumayabang.

ilang beses ko na silang napanood ng live. unang una ay nung 3rd year HS ako. kahit may pasok kinabukasan ay nanood kami ng mga katropa ko sa Padi's Point Las PiƱas (bagong bukas pa lang un noon at first time tutugtog ang PnE). sa harap na harap kami umupo para talagang kitang kita namin sina Chito, Buwi, Vinci, Dindin, Gab at Darwin. grabe! ang bait nila kasi kinakausap nila kami... hehehe!

pangalawa nung 1st year college ako. isa sila sa mga bandang tumugtog sa Bahay ng Alumni at sila pa ang finale. kahit sobrang bored na ako nun dahil walang kwenta ung ibang bands na tumugtog, nasulit pa rin ung P150 ko dahil sobrang galing talaga nila! at dahil kasama kong nanood ang pinsan ko at ang kaibigan nyang kapatid ni Led ng Kamikazee, nakapagpa-autograph pa ako sa kanila... grabe! speechless talaga ako nung kaharap ko na si chito at nagpapapirma na ako ng ticket! idol ko talaga siya!!!

isa pa ay nung UP Fair ngayong taon. sila lang talaga ang hinintay ko para mabuo ang Valentines kong sobrang lamig... hehehe! basta sila talaga ang paborito ko!!!

eto nga pala ang paborito kong kanta nila sa ngayon: (pabago-bago kasi e! hehe)

Ted Hannah

Para kang kape. di ka nagpapatulog
Parang kagabi, gising ako hanggang tanghali
Di ko nga man lang alam kung sino ka talaga!
Kailan kaya kita makikilala?
Paano kung nasulat na sa notebook ng tadhana
Ang kwento ng pag-ibig tungkol sa ating dalawa
Ang nais na mangyari ng tadhana para satin?

Para akong tanga, di ko man lang naisip
Na ang pangarap ay mananatiling panaginip makamtan ka
Paano ka tatama kung di ka tataya?

At paano kung may contest
Na sinet-up and tadhana
At ang unang papremyo ay ang makasama ka
Kung di ko man lang susubukan
Manalo sa Pa-raffle na tadhana
Tan tan tan tan


bakit ito ang fave song ko ngayon? kasi hinihintay ko pa ring dumating ang tao na kung kanino ako magiging alienated... hehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home