Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Saturday, March 05, 2005

Lapus: So Much For My Happy Ending...

naisipan ko lang magblog muna habang naghihintay ng matagal sa pagdownload ng mga mp3 na hiningi ng mga mems ng StatSoc para sa ScavHunt namin... hay... 2nd to the last na nga lang to, pahirapan pa rin! hay... nakakastress! sobra! gusto ko tuloy manood ng sine! hehehe

speaking of sine, sabi ko sa klase nung thursday, mahilig ako manood ng pelikulang may happy ending para naman sumaya ako. hindi naman sa malungkot ang buhay ko. sa kantunayan, napaswerte ko nga at ako ay nabiyayaan ng isang mapagmahal na pamilya. walang problema at masaya. wala rin naman akong problema sa mga kaibigan ko dahil alam kong mga true friends sila. at wala akong problema sa lovelife kasi wala naman ako nun! hehehe! malamang ay sobrang stressed out ko lang talaga sa acads at sa org. isama pa natin ang mga katam-phases ko! hehehe!

ayun nga... hindi naman talaga ako malungkot pero bakit mahilig akong manood ng mga happy ending? ito ay dahil may pagka-idealistic ako. shempre ang ideal na mangyayari sa pelikula ay ung magkakatuluyan ung mga bida diba? kaya naman natutuwa ako sa mga ganun. at chaca mahilig ako sa mga kilig moments. basta kakaiba ako kiligin. hehehe! ewan ko ba kung bakit simula ng nagaral ako sa UP, wala na masyadong kilig moments ang nangyayari sa akin... kaya nga rin siguro sa mga pelikula na lang ako kinikilig... hehehe!

napansin ko lang, medyo contradicting ang favorite movie ko sa pagkahilig ko sa happy ending... kasi fave ko talaga ang A Walk to Remember. pero hindi ko naman masabi na happy or sad ending yun. namatay kasi si Jamie(Mandy Moore) sa ending pero hindi pa rin naman ganun kalungkot dahil may magandang nangyari naman kay Landon(Shane West). basta! ang weird ko talaga!

just thinking, kasama kaya 'tong entry na to sa mga valid entries para sa Blog?

sana... :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home