Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Monday, March 07, 2005

(Chacón) Bikol bikol bikol...

Bikol po ang aking regional language...Impernes, na-realize ko na matagal ko na pala hindi nae-ensayo o narinig ang mga pangungusap sa bikol...nahirapan tuloy ako mag-translate...

Anyway, share ko lang, may advantage din matututo ng ibang wika, pwede mo kasing pag-chismisan ang ibang tao, sa harap pa nila mismo, na wala silang naiintindihan--parang secret code kumbaga...

Haha...Naaalala ko ang isa kong experience...Nang bigla akong magsalita ng bikol noon sa tumawag sakin sa cellphone, na-shock yung kasama ko at napatanong: "Marunong ka mag bahasa (Indonesia)?"...Medyo magkatunog kasi ang bikol (atbp. rehiyonal na wika) at Bahasa Indonesia...

Astig din magbiro gamit ang wikang bikol, nakakatawa kasi talaga ang tono.

Ang bikol language daw ay may bahid daw ng Polynesian, Visayan, at Japanese (ata?!) languages...Ang bikol naman sa lugar ko, Sorsogon, ay hindi purong bikol, may impluwensya ito ng Bisaya...At dahil din sa kolonisasyon, maraming salitang kastila ang naging bahagi na ng bikol. Kung tutuusin, mas maraming Spanish verbs(verbos) ang nahalo sa bikol kaysa sa Tagalog (Hal. Preparar, Abrir, Gastar, Limpiar, atbp.). Medyo marhinalisado ang bikol ng mga taga-Sorsogon, kung dadayo kami sa ibang mga mas maunlad at urbanisadong siyudad sa Bikol (halimbawa: Naga City at Legazpi City).

Ngayon ko lang na-realize na unti-unti na palang nagiging marginalized ang bikol language...Naaala ko kasi nung elementary (hanggang highschool) ako, hinihikayat kami ng mga guro na tanggalin (totally) ang Bikol at ensayuhin namin ang paggamit ng Tagalog (wala akong naging problema, matagal na kasi akong sanay...pero yung mga kaibigan ko..naku...hehe)....May punto rin sila: hinihikayat nila ang lahat na umanib sa Tagalog para maging isa na lang ang identidad ng mga Pilipino--kung mawala kasi ang mga regionalism dito, mas magkakaisa lalo ang mga Pilipino...Pero hoy, dapat ginagalang at preserve pa rin ang diversity ng kultura sa Pilipinas...May advantage rin impernes ang pagkakaroon ng maraming wika ng isang bansa...Napanood niyo na ba yung "Windtalkers"...So ayan, pagnagka-gera, pwede natin gamiting yung mga regional languages sa pag-transmit ng secured info...hehe...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home