Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Saturday, January 15, 2005

Lapus: Sarili

ako naman ang magpapakilala sa aking sarili...

ako po ay si Leira Maria Tan Lapus... Lei po ang nickname ko. naturingang leader ng group na to... at dahil un sa pagiging 2nd year ko na... puro freshies kasi ang groupmates ko e!

ayun, ako ay isang Stat major... meaning, BS Statistics ang course ko. nung highschool ako, akala ko magaling ako sa math. pero ngayong college, na-realize ko na hindi pala! hehehe!

ayun, mahiyain ako sa mga hindi ko kakilala pero pag kapalagayan na kita ng loob(meaning, pag close na tayo...), sobrang makwento na ako! as in lahat na lang ng bagay, meron akong sasabihin... at shempre, magkukwento ako ng magkukwento tungkol sa crush ko... hehehe!

ako ay tiga-Las Pinas(kung saan daw may sumapak kay Sir U...). pero peace-loving ako... ayoko ng may kaaway at mahaba pasensya ko. mahilig akong magbigay pa ng another chance sa mga taong umaaway/umaapi sa akin. minsan nga lang, inaabuso na ang kabaitan ko.(sensya na kung nagbubuhat ako ng sariling bangko...) pero may hangganan din ang lahat. pag sobrang naaargabyado na ako, marunong din akong lumaban at hindi ako magpapatalo! kaya beware pag nagalit ako! kasi hindi un normal sa akin...

mahilig ako sa color pink!!! hindi ko lang sure kung nahahalata nyo... pero madalas pink ang suot ko at pink ang bag ko... ang cute kasi e! hehehe!

lately, masayahin akong tao... dati kasi may pagkapessimistic ako... pero dahil madami ng reasons para maging masaya ako, hindi na ako agad-agad nalulungkot...:)

mahilig akong kumain. mahilig ako sa music. marunong akong magitara at gusto kong matuto ng classical piano. mahilig akong magbake at may balak akong magtayo ng business... sana bumili kayo ng homemade cookies na gawa ko! (dito daw ba nag-advertise!) hehehe!

mahilig din akong sumagot ng mga survey sa friendster at magpost ng entries sa aking sariling blog... ewan ko ba kung bakit umuurong ang dila ko(in this case, daliri ko sa pagtytype) pag nagpopost dito... hmmm... hiya lang talaga ako...

ayun lang muna about me... mas ok kung magkukwentuhan tayo in person para lalo mo akong makilala... :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home