"Gahasa"
Ni Joi Barrios
Ihanda ang mga ebidensya.
Eksibit blg. 1: Patalim, Baril
O kahit na anong sandata
Patunay ng pagbabanta.
Eksibit blg. 2: Panty na may mantas
Patunay ng kabirhenan ng dalaga.
Eksibit blg. 3: Sertipikasyon ng Doktor
Patunay na –
A: sapilitan
B: lubusan
Ang pagpasok ng ari.
Eksibit blg. 4: Sertipikasyon ng Pagkatao
Patunay ng hindi pagiging tuta.
Ipasok sa hukuman ang nasasakdal
Iharap sa hukuman ang nagsasakdal
Simulan ang panggagahasa.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home