Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Wednesday, December 22, 2004

(Chacón) Tula

Sana magustuhan niyo. Medyo kahawig niya yung "Salamat Rico Yan." Sabagay, pareho lang din ang epekto ng pagpanaw nila. (medyo political nga lang yung kay FPJ).Ciao!

P.S. Pinaghirapan ko 'toh


Salamat Ginoo, Ginoong FPJ

Salamat ginoo, Ginoong FPJ namin,
Sapagkat, nabago mo ang ihip ng hangin.

Mula nang ika’y napa-ospital,
Kami’y napatutok sa radyo at telebisyon.

Kami, pati na rin ako’y ‘di makapaniwala,
Na ang “hari,” ang “Da King” ay nakaratay na walang diwa.

Pero mula nang malaman kong ika’y dinapuan ng aneurism,
Sigurado na akong mahina ang pag-asang ika’y magigising pa na may pag-iisip na pagka talim-talim.

Naging malungkot ang umaga ko nang masilayan ko ang balitang ika’y pumanaw na.
Ang hari, si Da King, ang panday, ang haligi, ay wala na.

At ayan, nagsulputan na, ang kaliwa’t kanang dokumentaryo ng iyong buhay,
Si FPJ: mabait, malinis ang kalooban, makabansa, mapagmahal, makamasa, at mahusay.

At ako’y napaisip ng malalim, siguro, you would have made a good president.
Kaya nga lang, sa pulitika dito, malabo talagang ika’y magiging president.

Tama na ang kwento ng ‘yong mga huling sandali’t,
Tayo na sa ihip ng hanging biglang pumalit.

Maraming salamat, ginoong FPJ,
At nakalimutan din namin ang mapait na sinapit sa Quezon.

Quezon: sangdamulag na mga nasalanta’t namatay ang madadatnan,
Sagisag na rin ng talamak ng katiwalian sa pamahalaan.

Kahit papano, marami na rin ang nakalimut na kriminal pala ang isang tao diyan,
Pare, maraming salamat.

Salamat, salamat talaga,
At nakalimutan na yata namin na hindi totoo ang masayang paskong ipinangako sa atin.

Dahil sayong pagyao,
Nalinis mula sa amin ang samu’t-saring problema.

Maraming salamat, salamat sayo haring FPJ,
‘Di na namin napansin ang mga “pagguho” sa mundo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home