Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Tuesday, December 21, 2004

Lapus: sana ay may kwenta naman tong post ko...

kakabasa ko lang ng ibang blogs ng ibang grupo pati na rin ng ibang klase ni sir u. naku! walang wala talaga ang blog natin! ni hindi relevant mga post natin dito sa topics for discussion... hay... sana maging makabuluhan naman tong post ko ngayon...


note: inaamin ko na may blog rin ako at madami akong nasusulat doon. kaya nga lang, hindi ako sanay na magsulat para sa ibang tao. nahihiya kasi ako sa mga kababawan ko. at alam kong graded to kaya umuurong dila ko(or in this case, kamay ko sa pagt-type).


ok... eto na...


bukas, ililibing na si FPJ. sana bukas, ilibing na rin kasama nya ang paghihirap ng mga mamamayan. tutal, nakalimutan na natin ang mga nasalanta ng bagyo at ng bala, e bakit hindi pa natin ituloy-tuloy?


nagdalamhati ang masa para sa pagkamatay ng kanilang "tunay na presidente". asus! patay na nga pinagdidiinan pa ang sarili sa unang pwesto! ano ba naman yan?


pagpasensyahan nyo na ang aking pagkainis. sa totoo lang, biased talaga ako. hindi ko kasi gusto si FPJ. kahit bilang artista, ayoko talaga siya. tingin ko sa kanya, korny. jologs. mga action movies nya na pare-pareho lang ang storya. sa pagkakatanda ko, wala akong natapos ni isang pelikula nya na pinalabas sa tv dahil sa sobrang antok. (mahilig kasi manood ng mga tagalog movies ung yaya ko dati kaya naman nakakanood din ako.) at bilang presidente ng sobrang naghihirap nating bansa, wala talaga akong bilib sa kanya. siguro nga mas ok pa kung si susan roces ang tumakbo noon.


ngayong sumakabilang buhay na siya, kahit saan mo ilipat na local channel ang tv, iisa ang palabas. news tungkol s burol nya, talk shows na mga kaibigan nya ang guest, public affairs program na sya ang feature... waaaaaaaaahhhhhhhh!!! ayoko na!!!


nakakatamad na tuloy manood ng tv. yun pa naman ang inaasam asam ko ngayong bakasyon. ang makatutok sa tv buong araw na hindi ko magawa pag may pasok. hay... ang buhay nga naman... buti na lang may cable kami. pwede kong ilipat sa nickelodeon, disney channel at cartoon network... at least dun, hindi pinapakita si FPJ. pero medyo nagsasawa na rin ako kay dora... kasi puro na lang delicioso naririnig ko... hehehe! hay... matutulog na lang ako... puyat pa ako dahil sa simbang gabi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home