Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Wednesday, December 22, 2004

(Chacón) Mga nagpapapangit sa isang siyudad.

Sa inyo ko lamang i-share itong nararamdaman ko...bwisit kasi eh, naglakad na naman ako around my city, Sorsogon City (sa Bicol), at napansin ko na naman ang mga lintik na signboards na yan.

HEHEHE! HINDI PO AKO AKTIBISTA. Observant lang.

Shet. Pagkatapos ko mamasyal sa lalawigan namin (ang lalim ng tagalog), kumulo na naman ang dugo ko nang masilayan ko ang pagkadami-daming signs, billboards, etc. na nagbibigay credit sa mga pulitiko, brgy. officials, councilors, vice-mayors, etc. dahil "sila KUNO/DAW ang proponent ng mga proyekto nila"...Well, sila nga ang proponent, pero 'di ba dapat mas bigyan natin credit yung mga nagtrabaho ng mga infrastructural projects na iyon?! Pero, kung iisipin natin, dapat hindi na naglalagay ng mga credit signs, billboards, etc. na iyan...Para sakin, napakaplastic naman ng isang tao kung tutulong siya at may kapalit: ang i-advertise ang pangalan niya sa publiko...Kaliwa't-kanan, makikita mo: "Another project by Pres. ***"; " Completed through the administration of Cong. ********"; "Patubig ni G*****"; "Proyekto ni ******, City Counselor ng ****"; "Tindahan ni Gloria".....Shet. Ang plastik talaga...Sabagay, wala namang iniisip mga tao kundi magpasikat...Sabi nga sa bible, dapat magdasal tayo ng patago, wag sa publiko; magmumukha kasi tayong pharisees...mga hipokrito/a!!!

At eto pa ha, kaya ako iritang-irita sa mga credit signs/billboards na yan dahil gumawa ako ng isang impormal na pag-aaral niyan nung highschool ako. Ayon sa aking pananaliksik, ang pangkalahatang mga resources (pera, pintura, kahoy, bakal) na ginagamit sa paggawa ng mga lintik na credit signs/billboards na yan ay pwede nang gamitin para magpagawa ng streetlights, street signs, road safety signs, at direction signs...So, instead na ipangalandakan nila mga pangalan nila, dapat gamitin na lang nila yung resources na yun para ipagawa yung mga useful things na yun...

Bukod pa dito, ang pangit din tingnan kung puro pangalan ng mga ewan ang makikita mo around town duhbah?!

Try niyo rin pumunta sa ibang bansa (lalo na sa mga 1st world countries)...Bihira or never kayong makakakita ng mga credit signs/billboards na yan na naga-advertise ng mga pangalan ng pulitiko...Napakababaw lang talaga ng pag-iisip sa lugar natin. Nako-convince kasi kaagad ang karamihan sa atin na isipin na: "Uy, magaling 'tong mayor/presidente/pulitikong ito dahil nakabalandra pangalan niya sa billboard!"...Sheesh...

Hay naku Phil. Politics talaga...

Somebody stop me!hehehe!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home