Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Sunday, March 13, 2005

(Chacón) Vagina Monologues: Usapang Puki

Dane: Ako rin napa-"Oh well" nung makita ko yung results ng exams...Sabay shet...Tsktsk...Oh well...

Lei: Uyyy, tinatadtad mo na ng entries yung blog ah...Sana magawa ko rin yan...

Anyway, nanood ako ng Vagina Monologues nung Friday sa Guerrero...Tatlo ang dahilan kung ba't ako nanood:

1. Cast si Trixie sa monologues.
2. Personal kong nakausap si Tony Mabesa (hehe) at sabi niya manood daw ako nun...
3. Sikret na lang yung isa...

Hmmm...Ang expectation ko ay isang nakakatawang presentation ang Vagina Monologues ni Eve Ensler, si Tony Mabesa kasi ang director, at sobrang nakakatawa yung "Komedi" niya...Medyo nabagot ako sa ibang part kasi di ako natawa...PERO, kahit hindi masyado nakakatawa yung play, sobrang educational nito...Pinakita sa Vagina Monologues ang sinasapit ng karamihan sa kababaihan (mula sa pagkabata hanggang sa sukdulang pagkamatanda), sa loob ng lipunan natin, na patriyarkal...Pinapakita doon ang mga kaso ng babae na inaabuso ng kalalakihan, ng mga mas matanda sa kanila, pati na rin ng mga lesbiana. Pero, parang hinihikayat na rin sa play ang mas pag-explore ng babae sa kanilang sexualidad. Kumbaga, mapantayan nila ang lalaki. Ang Vagina Monologues rin ay nagsisilbing boses ng kababaihan laban sa mga norms at mga dikta ng patriyarkal na lipunan...Halimbawa, binigyan dito ng pagkakataon ang mga babae para talakayin ang kanilang sexualidad na noo'y hindi nila nagagawa (sapagkat pinagbabawal ng dikta ng lipunan pati na rin ng relihiyon). At, pinapakita rin dito ang kahalagahan at pagiging isang supreme being ng kababaihan sa mundo, dahil ito sa kakayahan nilang manganak (impernes, mahirap nga naman talagang manganak pero nakakaya pa rin ito ng babae)...

In short, igalang natin ang kababaihan.

P.S. Congrats Trixie! Nag-stand out (as in literal na nag-stand out ang boses mo)...As in pinagmayabang pa kita sa mommy at sis ko na: "Uy, yung girl na yun, groupmate ko yan sa PP17!!!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home