Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Monday, January 31, 2005

(Chacón) Funny Military Storee.

U.S.S. Abraham Lincoln and the lighthouse This is based on an actual radio conversation between a U.S. Navy aircraft carrier (U.S.S. Abraham Lincoln) and Canadian authorities off the coast of Newfoundland in October, 1995. (The radio conversation was released by the Chief of Naval Operations on 10/10/95 authorized by the Freedom of Information Act.)

Canadians: Please divert your course 15 degrees to the South to avoid collision.

Americans: Recommend you divert your course 15 degrees to the North to avoid a collision.

Canadians: Negative. You will have to divert your course 15 degrees to the South to avoid a collision.

Americans: This is the Captain of a US Navy ship. I say again, divert YOUR course.

Canadians: No, I say again, you divert YOUR course.

Americans: THIS IS THE AIRCRAFT CARRIER USS LINCOLN, THE SECOND LARGEST SHIP IN THE UNITED STATES' ATLANTIC FLEET. WE ARE ACCOMPANIED BY THREE DESTROYERS, THREE CRUISERS AND NUMEROUS SUPPORT VESSELS. I DEMAND THAT YOU CHANGE YOUR COURSE 15 DEGREES NORTH--I SAY AGAIN, THAT'S ONE FIVE DEGREES NORTH--OR COUNTER-MEASURES WILL BE UNDERTAKEN TO ENSURE THE SAFETY OF THIS SHIP.

Canadians: This is a lighthouse. Your call.

Wednesday, January 26, 2005

(Chacón) Kalsada...

Hay naku, napupuno na ang aking utak nito:

Ngayon college lang ako natututo magmaneho sa kalsada mismo...So, parang fresh experience palang sakin ang mga kalye ng Maynila...(Nung highschool kasi, hanggang sa may village at garahe lang ako pinagdadryb)...Anyway, sa anim na buwan na ginugol ko sa pagmamaneho, na-"shock" ako sa ilang mga ugali ng mga ibang motorista sa mga kalye ng Maynila, pati na rin sa aking probinsya...Share ko na sainyo...

SORSOGON CITY (November 04):

Sembreak.Strike din sa aming siyudad. Nagpamaneho lang ang nanay ko sa lugar na kanyan pinagtatrabahuhan. On the way home, nakita ng nanay ko ang isang kaibigan na naglalakad sa sidewalk kaya sabi niya: "Anak, mag-u-turn ka nga para maisabay natin si Dra." Agad naman akong tumugon, naghanap ako ng magandang lugar na pwede ikutan kaya nagmenor ako. At nang makita ko ang tatlong motorsiklo nagmenor para pagbigyan ako, nag-u-turn ako. Sa gulat ko, at sa pagsigaw ng nanay ko, napansin ko na may motorsiklong sasalpok sa aming sasakyan. At ayun, sumalpok sila. Tumilapon ang mga sakay. (Mabuti na lang at walang nasaktan, may na-betlogan nga lang). Tapos, mukhang napa-init ko ata ang ulo nung naka-motor, kaya tiningnan niya ako at parang nanghamon. Mabuti na lang at nandoon ang pagkatapang-tapang kong nanay para tarayan. At walang away na naganap. Unang pagkakataon ko itong masangkot sa isang banggaan, hindi ko alam ang gagawin kaya ako pa itong nag-sorry sa naka motor; tinabi ko rin kagad ang kotse (baka kasi makaabala sa trapik), mali pala yun, dapat, hinihintay muna ang pulis para i-document at pag-aralan ang eksena. Unfortunately, pulis pala yung isang naka-angkas sa motor. Agad niya akong nilapitan at tinanong: "May lisensya ka nonoy?". Na-insulto ako nun, para kasing nagmukha akong supót na hindi pa pwedeng magkaroon ng lisensya. Pero, noong oras na iyon, may NON-PROF license na ko. Sa sobrang pagpakumbaba ko, ako pa ang nasermonan nung naka-motor. "Hindi ko daw ba nakita na nakabwelo siya pababa?"

Umuwi ako sa bahay na nanginginig, nagkaroon ako ng feeling noon na ayoko na magmaneho ever.

Kamakalawa, ayon sa imbestigasyon ng pulis at testimonya ng mga nakakita: ang mali raw talaga ay yung nakamotor, masyado daw kasi itong mabilis. Sa bagay, yung ibang motor nakapag-menor pa duhbah? At pagpababa ang kalsada sa isang populated area (na medyo blind curve pa) dapat hindi mabilis ang pagtakbo. At ang mabigat dito, walang lisensya ang nagmamaneho ng motor.

KATIPUNAN-malapit sa BALARA (January 2005)

Nagmamaneho ako pauwi pagkatapos ng PP17 class natin. Sa gulat ko, biglang may nag-cut na motorsiklo (na naman) sa harap ko. Mabuti na lang at mabagal lang ang takbo ko kung hindi nabangga ko na siya (At ngayon, hindi na ako hihingi ng sorry sa mga reckless drivers, conditioned na ako para makipag-away ;) ). Noong oras na iyon, may papalabas na service vehicle mula sa MWSS, kita ko naman na maingat na lumiliko yung service vehicle papuntang Katipunan; sa bilis ng motor, muntik pa siyang sumalpok sa hood nung MWSS vehicle, nakaiwas naman kasi siya (mga 1-2 inch na lang ang pagitan). So ayun, walang salpukan ang naganap. Pero ang kinainis ko, eto pang nakamotor ang may apos mamakyu (mag dirty finger; pak yu) dun sa driver ng service vehicle. Siya na nga itong mali.


GANUN NA BA KA-INEFFECTIVE ANG SISTEMA DITO? ANG DAMING MOTORISTA ANG WALANG LISENSYA, AT HINDI NABIGYAN NG SAPAT NA EDUKASYON SA ROAD SAFETY, RULES at ETHICS?

Sa totoo lang, nung kumuha ako ng lisensya, dinaya na lang yung exams sa road rules/safety/ethics. Binigyan na lang ako dun sa LTO ng "mahiwagang notebook" kuno kung saan makikita ang letters ng mga sagot. Pasalamat na lang sila at since Grade 5 pa ako nag-aaral mag-drayb kaya sobrang nasabi na ata sakin iyong mga rules. E papaano yung iba? Na basta basta na lang pinagmaneho? At hindi man lang nag-driving school? Ayokoman mag-discriminate, pero isa sa mga umaabuso ay ang hari ng kalsada. Sinong hindi matatakot na bigla na lang liliko ang isang dyip mula sa lane na malayo sa lilikuan?

May long-term effects ito sa atin. Sa future, malalaman na lang natin na ang worst drivers ay matatagpuan sa Pinas. Sa ngayon ata, Greece at Italy ang holder ng titles na yan...

Wala lang, na-share lang. Mag-ingat po tayong lahat.:)

(Chacón) May personal...

May personal blog aketch...link niyo kung gusto niyo ha.:)

http://www.tabulas.com/~ajchacon

Salamat!:)

(Chacón) Mega-Wednesday...Lagot?

Napaka-loaded ng aking Wednesday...First time kong mag-drive pa UP ng walang bantay...Anyway, hindi naman ako nabunggo or nakabunggo...

Virtually, parang naitakas ko lang yung kotse namin sa bahay...Walang nakakaalam nun kundi ang yaya sa bahay at yung driver namin...Kaya nung nalaman na ng lahat, wala na silang magawa...Nasa UP na ako!!! Bukod pa dun, hindi nila ako nahabol dahil color coding yung back-up car namin. :devil:

Nagsimula ang araw ko nang pumunta ako sa talyer na pinag-ayusan ng kotse ko…Walang ****! Ang laki ng inabot…Matapos nun, excited ako dumiretso pa Peyups.

Sobrang naabuso ko ang kotse ko today, Nagdraybdrayb ako around UP ng ilang beses..Wahahaha!!! At naka joy ride ko din sila Abby at Karen. Yihee!

Anyway, updating kanina sa UP, sa psych dept...akala ko mega-haba yung pila...di naman pala...then after lunch, inasikaso ko na lang yung interview namin for COMM3...Initially, isang "Caces" survivor sana interviewee namin, kaso, di siya available at our specified time...Kaya, naghanap kami ng bagong i-interbyuhin at ang nakuha namin ay si Mr. Teodoro Gadaingan, isa siya sa mga janitors ng AS. Mabait naman kaming tinanggap ni sir, pareho kasi kaming makulit ng partner ko. Anyway, si sir po yung "horizontally challenged" (euphemism) na janitor ng AS...Anyway, sobrang bait talaga niya!!!

After that, dumaan lang ako sa bahay ng pinsan kong si Ian para kunin yung DVD ko ng “Windstruck”, then nagkayayaan kami pumunta sa Ateneo para sunduin yung isa ko pang pinsan…Sa Ateneo, ang tagal bago namin nahanap yung pinsan ko, kaya nag-canteen muna kami para masaya, unexpectedly, na-chempohan din namin dun yung isa ko pang pinsan…Oo, balwarte ng mga Chacón ang Ateneo de Manila University. E di ayun, nag-snack kami nang sabay-sabay (bonding) at nakita ko rin dun mga classmates and close friends ko sa SEP (summer school sa Ateneo high)- pero, hindi na nila ako nakilala…Oh well, semi-kalbo kasi ako nung time na nakasama ko silang lahat (2 summers!!!). At ang cherry on top of the cake: nakita ko si Maxine Magalona (ang anak ng dakilang si Francis M.)…Wala siyang kasama sa table, pero sino ba naman ako para lumapit sa kanya!? Hehe…

So ayan, afterng Ateneo madness, dumaan naman ako sa Riverbanks kasama ang pinsan ko- sa Riverbanks kasi ako bumili ng token of appreciation para sa interviewee namin…At nasalubong ko pa yung isa kong pinsan (na med student sa UERM) at ang bespren niya, si Yuri. At eto na, (dugdug-dugdug) tumatawag si mommy sa aking cellphone…Impernes medyo kinabahan ako nun. Takot akong sumagot sa telepono, pero impernes ulit, di naman ako nasigawan, pero pinauwi na ako. Agad-agad naman akong tumakbo papuntang parking lot (parang Power Ranges na nagkakandarapa pumunta sa Robot nila). At ako’y umuwi na. Fortunately, walang traffic kaya nakauwi na din ako…

Woah. Nakauwi ako without a scratch.
Argh. Ang sakit ng ulo ko.

Yikes, may papers pa pala akong kailangan gawin.

Gagawin ko pa pala ang extension ng Zsazsa Zaturnnah para sa PP17/

Sana hindi ako maadik sa blog. Three consecutive days na kasi ako nagba-blog eh.

:approve:

Sunday, January 23, 2005

(Chacón) Hyper Saturday!!!

Hay naku, first time kong gagawin ito…Magshe-share ako ng experiences dito sa blog natin.:)

Ang naging Saturday ko this week (January 23, 2005) ang isa sa mga pinakamasaya kong araw sa mundo…Naging loaded kasi ang araw kong ito…

Nagsimula ang araw ko ng pumunta ako ng FEU (Fairview) para samahan ang sis ko na nag-take ng entrance exams sa Institute of Nursing nila. Medyo matagal kaming maghihintay matapos yung exams nila kaya nagdala na lang ako ng reading materials namin sa Geog1 para di masayang ang oras. At ayun, nagamit ko ang oras ko para makapag-aral (tungkol nga pala sa UNCLOS yung readings). Bukod pa doon, nakatulog din ako ng mahimbing sa kotse namin habang naghihintay, sobrang deprived lang talaga ako sa tulog. Mayroon din pala kong kinainan na café sa FEU kung saan mayroong spaghetti at nachos. For the first time sa Pilipinas, nakatikim din ako ng masarap na spaghetti-yung maasim na spaghetti- iyon kasi ang tunay na lasa ng spaghetti (sa Pilipinas lang ata naging matamis ang spaghetti eh).

Pagkatapos ng FEU exams ng kapatid ko, pumunta kami sa Gateway para maglunch at siyempre, mamasyal. Pagkatapos namin kumain, niyaya ko ang dad ko at sister ko mag-joy ride sa LRT para naman maranasan nila sumakay sa trains dito (weird kasi, dahil, nasubukan na nila ang subway sa NY at “Underground” sa LDN pero di pa nila na-try ang LRT at MRT, etc. sa MLA. Anyway, mula sa Araneta-Cubao station, tumungo kami sa J. Ruiz station (doon ang gusto ng dad ko dahil doong area siya nag-aral) at lumipat kaagad para makabalik sa Gateway. Medyo nasayang ang pera pero hindi naman noon matutumbasan ang bonding na naganap.(Ang lalim!)

Later, pumunta kami sa bus terminal sa Cubao para bumili ng tickets ng dad at sis ko para sa bus trip nila pabalik ng Bicol ngayong Sunday. Anyway, pag-park namin sa parking lot (?!) sa harap ng Rustan’s may nakita akong Mini Cooper for sale!!! Naiyak ako sa tuwa nang makita ko yung dream car ko! Mantakin mo na pinag-uusapan palang namin nung Friday night ng dad ko kung anong kotse gusto ko next year pagmag-da-drive na ko. Sabi ko na gusto ko ng lumang second hand na kotse, beginner palang naman ako eh-pero yung gusto ko eh Mini Cooper (kahit super luma na)Nung Satruday morning, pagkagising ko, sinabi ko sa sarili ko: “Pag may nakita akong Mini Cooper ngayong araw, meant ako magkaroon nito sometime in my life.” Kaya naman nung masilayan ko yung Mini Cooper ay halos mangiyak-ngiyak ako! Hehehe! Akala ko na, since nung na-basted ako (virtually, hehehe!) ay hindi na ako ma-iinlab at ngingiti ulit! Pero nung nakita ko itong Mini Cooper na ‘to, sobrang na-inlab na naman aketch at napangiti buong araw!!! Agad kong tiningna yung kotse, sinukat ko pa nga kung magkakasya ako sa loob. Maganda pa naman yung condition nito, may aircon, mags, at nabubuksan yung roof!!!Ang dating!!! Kaya nga lang, ayaw ng dad ko dahil masyado raw maliit, walang laban sa salpukan!!! Hayy, naketch talaga…Gusto ko na tuloy mag-trabaho para makapag-ipon or sumali sa lotto…hehehe. Pangarap lang naman ito…hehehe! Anyway, eto yung pic nung Cooper…


After Cubao, pumunta naman kami sa dalawa pang-mall (super lakwatsa today!) sa may Cainta para bumili ng mga orders ng nanay at mga kapatid ko na naiwan sa may probinsya. Wala lang…

At eto, pagkatapos mag-mall nagmadali kaming tumungo sa AS parking lot para makipagkita sa mga pinsan ko dahil manonood kami nung “Exsurge” (pronounced as Ekserjey). Ang “Exsurge” ay isang concert na ginanap sa UP Theater at sponsored ng isang IS (International School). Anyway, malamang wala kayong narinig tungkol sa concert na ito dahil wala namang kinalaman ang UP dito, pinarerentahan na kasi ng UP ang Universtiy Theater sa kung sinu-sino DULOT NG KAKULANGAN SA PONDO DAHIL KINALTASAN NA NG CONGRESS ANG EDUCATIONAL BUDGET NG PINAS.UNTI-UNTI NANG NAGIGING KOMERSYALISADO ANG UP. Kulang nalang gawin nilang motel ang Lagoon, gawing mall ang Sunken Garden (Sinking mall) at realistic na paint-ball arena (parang sa counterstrike) ang AS and its surrounding structures. Ang Pilipinas lang ata ang bansang nagbabawas sa educational budget!!! Sira na talaga tuktok ng mga politicians nayan. Sanabinigay na lang nila yung half ng pork barrel nila sa education- hindi lamang sa UP system, kundi sa iba pang public schools sa bansa.

Oh well…Yung tickets na available noon ay 250, 350, at 500. Pero, impernes, nakalibre ako dahil isa ako sa mga guests ng Rivermaya (totoo!!!hehehe!).Nandoon sa concert si Paolo Santos, Nina, Jimmy Bondoc, Akafellas, Nyoy Volante, at higit sa lahat…ang RIVERMAYA!!!!! Basta sobrang tindi ng Rivermaya!!! Da best!!! Kinanta nila yung Elesi, Hinahanap-Hanap kita, Medley ng 214 at Balisong, You’ll Be Safe, Liwanag sa Dilim, Umaaraw Umuulan, at nakalimutan ko na ata yung iba…Basta nakakawala sa sarili yung concert!!! (Marami rin pala chicks nung concert, mga highschool nga lang…yuck…joke!)

Si Rico Blanco ng Rivermaya…


At natapos na ata yung concert ng bandang 12mn, at di pa doon natapos ang araw ko, kumain muna kami ng mga kasama ko sa isang carenderia dahil hindi pa kami noon ng dinner…Anyway, tapsilog na nabili namin kaya parang breakfast na rin yun…Pagkatapos namin kumain ng sabay-sabay, ako at ang aking kapatid ay umuwi na sa aming tahanan.

May permit kami sa magulang kaya pinayagan kami! Yihee! Wala lang..Nagshare lang at medyo high ako ngayon dahil sa Mini Cooper mania ko…:)

Tuesday, January 18, 2005

(Chacón) Palaka...

Amba, curious lang...Ba't ang hilig mo sa palaka? Pati friendster mo frog din ah.:)

Saturday, January 15, 2005

Lapus: Sarili

ako naman ang magpapakilala sa aking sarili...

ako po ay si Leira Maria Tan Lapus... Lei po ang nickname ko. naturingang leader ng group na to... at dahil un sa pagiging 2nd year ko na... puro freshies kasi ang groupmates ko e!

ayun, ako ay isang Stat major... meaning, BS Statistics ang course ko. nung highschool ako, akala ko magaling ako sa math. pero ngayong college, na-realize ko na hindi pala! hehehe!

ayun, mahiyain ako sa mga hindi ko kakilala pero pag kapalagayan na kita ng loob(meaning, pag close na tayo...), sobrang makwento na ako! as in lahat na lang ng bagay, meron akong sasabihin... at shempre, magkukwento ako ng magkukwento tungkol sa crush ko... hehehe!

ako ay tiga-Las Pinas(kung saan daw may sumapak kay Sir U...). pero peace-loving ako... ayoko ng may kaaway at mahaba pasensya ko. mahilig akong magbigay pa ng another chance sa mga taong umaaway/umaapi sa akin. minsan nga lang, inaabuso na ang kabaitan ko.(sensya na kung nagbubuhat ako ng sariling bangko...) pero may hangganan din ang lahat. pag sobrang naaargabyado na ako, marunong din akong lumaban at hindi ako magpapatalo! kaya beware pag nagalit ako! kasi hindi un normal sa akin...

mahilig ako sa color pink!!! hindi ko lang sure kung nahahalata nyo... pero madalas pink ang suot ko at pink ang bag ko... ang cute kasi e! hehehe!

lately, masayahin akong tao... dati kasi may pagkapessimistic ako... pero dahil madami ng reasons para maging masaya ako, hindi na ako agad-agad nalulungkot...:)

mahilig akong kumain. mahilig ako sa music. marunong akong magitara at gusto kong matuto ng classical piano. mahilig akong magbake at may balak akong magtayo ng business... sana bumili kayo ng homemade cookies na gawa ko! (dito daw ba nag-advertise!) hehehe!

mahilig din akong sumagot ng mga survey sa friendster at magpost ng entries sa aking sariling blog... ewan ko ba kung bakit umuurong ang dila ko(in this case, daliri ko sa pagtytype) pag nagpopost dito... hmmm... hiya lang talaga ako...

ayun lang muna about me... mas ok kung magkukwentuhan tayo in person para lalo mo akong makilala... :)

Sunday, January 09, 2005

(Chacón) Sarili...

Guys! Dahil magkakagrupo naman tayo, dapat kilala natin isa’t-isa. Kaya, type naman kayo something about your personal background para ngamakilala natin ang groupmates at makilala rin tayo ng mga classmates natin na bumibisita rin sa ating blog (kung meron man). O sige, ako na magsisimula…

PLUG-IN: Photo hosting courtesy of http://www.photobucket.com.

Hi! Ako nga pala si Alberto C. Chacón Jr. Pwede niyo kong tawaging AJ, Ahj, Vladimir..Bahala na kayo…Anyway, freshie palang po ako ng BS Psychology. Ummm…Galing po ako sa probinsya ng Sorsogon (sa southern tip ng Luzon;doon kayo makakakita ng whale sharks).



BS Psych kinuha ko instead of BS Bio dahil may myth daw na mas maraming psych daw nakakapasok ng PGH after graduation. Although, nung highschool ako, mas trip ko talaga bio kaysa sa psych. Pero, magulang ko na nagdecide/encourage. (Medyo hindi rin ako nage-expect na makaka-PGH/UPCM ako). Gusto ko kasi maging MD (sana!) pagtanda ko. Dati, nagging dream ko na rin maging aviation pilot…Kung ba’t naman kasi walang aeronautics/aviation courses sa UP System!? Later, kung pwede lang, papasok ako sa local politics ng probinsiya ko. Ang dami ko kasing plano para sa Sorsogon (wis meee luck!).

Friendly naman po ako basta makilala niyo ako ng maigi. Mukhang silent-type ako at suplado dahil antuking tao po kasi ako (no wonder na palagi akong nagma-microsleep at daydream sa PP17!). Sa totoo, isa akong madaldal na tao.

Hmm…Mahilig po akong mag-play ng guitar at adik po ako sa mp3s. Mahilig din ako sumabak sa experimental photography, sinusubukan ko kasing maging in-touch sa creative side ko. Mahilig ako sa lahat ng klase ng musika maliban na lang siguro sa R & B. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw ko sa R & B. Oh well…Mahilig din ako manood ng sine, plays, at magbasa ng pocketbooks. Dahil required ngayong sem, fav ko na rin ang Chem 16 book namin.

Dahil Friendster addict ako, add niyo akets: scientifico_0729@yahoo.com.

Madalas po akong kumain sa Jollibee at Tropical Hut, ayaw kong kumakain masyado sa McDo at Burger King dahil ‘di naman Pinoy based ‘yang mga yan. Sa mga nag-iisip kung mahilig akong kumain ng pwet ng manok dahil madaldal ako, mali kayo. Ang mga paborito ko ay hamburger (na 100% beef patty), barbecue sa beach house, donuts sa Mama Wag Po!, Cadbury Chocolates. Minsan, ok na rin sa akin ang Red Horse at San Mig Light, magkasing-lasa lang naman sila.

Nope, I don’t smoke cigs at lalong hindi ang bawal na meds!J

Hayy, pagod na akets, kayo naman!ü

Always Here, There, and Everywhere,
AJ

Saturday, January 08, 2005

(Chacón)Yes!

Go Amba!!! Salamat!:)

Wednesday, January 05, 2005

Lapus: Rape, Child Abuse

nahirapan akong basahin ang pinakalatest readings na "In the Truth Itself, There Is Healing". hindi ko kasi masikmura ang mga kwento ng mga rape at child abuse lalo na ng kanilang sariling mga tatay. paano nagagawa ng isang magulang na molestyahin at abusuhin ang kanyang sariling anak?

grabe talaga ang excuse ng isang lalaki dun kung bakit ok lang ang mang-abuso ng mga bata! ang naging reaction ko lang ay, "eeewww!!! to the highest level!" tama bang sabihin na ung bata ang nag-initiate nito? at hindi daw dapat pigilan ang mga "sexual urges" nila!

grrrr!!! nakakapang-init ng dugo! ewan ko ba! masyado akong nabother ng readings na ito... sa susunod na lang ang mahabang entry tungkol dito... kailangan ko pang mag-aral sa math55 at stat125 e! hay... buhay...

good luck nga pala sa atin sa quiz bukas! :)

Sunday, January 02, 2005

(Chacón) Anong gagawin matapos basahin ang Zsa Zsa Zaturnah?

Asteeg ang Zsa Zsa Zaturnah!!! Super nakakatawa itech ever! Hehehe!!!
Grabe dumayo pa ko ng Market!Market! sa Fort Bonifacio mula Marikina para lang makakuha ng copy nitong comic book. Super blockbuster daw kasi itech sa mga National Book Store in the proximity of Peyups kaya super wala akong nakita there.