Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Monday, December 27, 2004

Reply kay ate lei...

tabloids? usually sa tabi-tabi (whattan answer!)...tsaka sa mga news peper vindurrs sa traffic.:)

Sunday, December 26, 2004

Lapus: speaking of CRUSH...

merry ang christmas ko dahil binati ako ng crush ko... hehehe! at nanghihingi pa siya ng regalo! hehehehe! wala lang! nakisali lang sa usapan...

sana naging masaya ang pasko ninyo! happy new year din pala! at kita kits sa january 3!

nga pala, saan ba nakakabili ng mga tabloids? hindi ko alam e! help naman o! ty!

Chacon: buti ka pa trixie...

Buti ka pa...sakin di man lang sinagot ng cras ko tawag ko, di na rin nag react sa pahabol na text...hay naku...

OI, post naman po kayo!

HaPPY CHRISTMAS SA MGA KA GROUP KO, SA PP17 classes,AT KAY SIR U!!!:)

Friday, December 24, 2004

Merry Christmas!



—Lei Lapus

Wednesday, December 22, 2004

"Gahasa"
Ni Joi Barrios

Ihanda ang mga ebidensya.

Eksibit blg. 1: Patalim, Baril
O kahit na anong sandata
Patunay ng pagbabanta.

Eksibit blg. 2: Panty na may mantas
Patunay ng kabirhenan ng dalaga.

Eksibit blg. 3: Sertipikasyon ng Doktor
Patunay na –
A: sapilitan
B: lubusan
Ang pagpasok ng ari.

Eksibit blg. 4: Sertipikasyon ng Pagkatao
Patunay ng hindi pagiging tuta.

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal
Iharap sa hukuman ang nagsasakdal
Simulan ang panggagahasa.

Chacon: Groupmates!

Comment naman kayo sa mga pino-post ko...tell me kung may sense or pwede na rin kayo mag-react (violent man or commend)..haha...sabihin niyo na rin kung nagiging buang (baliw) na ko...hehe...

(Chacón) Mga nagpapapangit sa isang siyudad.

Sa inyo ko lamang i-share itong nararamdaman ko...bwisit kasi eh, naglakad na naman ako around my city, Sorsogon City (sa Bicol), at napansin ko na naman ang mga lintik na signboards na yan.

HEHEHE! HINDI PO AKO AKTIBISTA. Observant lang.

Shet. Pagkatapos ko mamasyal sa lalawigan namin (ang lalim ng tagalog), kumulo na naman ang dugo ko nang masilayan ko ang pagkadami-daming signs, billboards, etc. na nagbibigay credit sa mga pulitiko, brgy. officials, councilors, vice-mayors, etc. dahil "sila KUNO/DAW ang proponent ng mga proyekto nila"...Well, sila nga ang proponent, pero 'di ba dapat mas bigyan natin credit yung mga nagtrabaho ng mga infrastructural projects na iyon?! Pero, kung iisipin natin, dapat hindi na naglalagay ng mga credit signs, billboards, etc. na iyan...Para sakin, napakaplastic naman ng isang tao kung tutulong siya at may kapalit: ang i-advertise ang pangalan niya sa publiko...Kaliwa't-kanan, makikita mo: "Another project by Pres. ***"; " Completed through the administration of Cong. ********"; "Patubig ni G*****"; "Proyekto ni ******, City Counselor ng ****"; "Tindahan ni Gloria".....Shet. Ang plastik talaga...Sabagay, wala namang iniisip mga tao kundi magpasikat...Sabi nga sa bible, dapat magdasal tayo ng patago, wag sa publiko; magmumukha kasi tayong pharisees...mga hipokrito/a!!!

At eto pa ha, kaya ako iritang-irita sa mga credit signs/billboards na yan dahil gumawa ako ng isang impormal na pag-aaral niyan nung highschool ako. Ayon sa aking pananaliksik, ang pangkalahatang mga resources (pera, pintura, kahoy, bakal) na ginagamit sa paggawa ng mga lintik na credit signs/billboards na yan ay pwede nang gamitin para magpagawa ng streetlights, street signs, road safety signs, at direction signs...So, instead na ipangalandakan nila mga pangalan nila, dapat gamitin na lang nila yung resources na yun para ipagawa yung mga useful things na yun...

Bukod pa dito, ang pangit din tingnan kung puro pangalan ng mga ewan ang makikita mo around town duhbah?!

Try niyo rin pumunta sa ibang bansa (lalo na sa mga 1st world countries)...Bihira or never kayong makakakita ng mga credit signs/billboards na yan na naga-advertise ng mga pangalan ng pulitiko...Napakababaw lang talaga ng pag-iisip sa lugar natin. Nako-convince kasi kaagad ang karamihan sa atin na isipin na: "Uy, magaling 'tong mayor/presidente/pulitikong ito dahil nakabalandra pangalan niya sa billboard!"...Sheesh...

Hay naku Phil. Politics talaga...

Somebody stop me!hehehe!

(Chacón) Tula

Sana magustuhan niyo. Medyo kahawig niya yung "Salamat Rico Yan." Sabagay, pareho lang din ang epekto ng pagpanaw nila. (medyo political nga lang yung kay FPJ).Ciao!

P.S. Pinaghirapan ko 'toh


Salamat Ginoo, Ginoong FPJ

Salamat ginoo, Ginoong FPJ namin,
Sapagkat, nabago mo ang ihip ng hangin.

Mula nang ika’y napa-ospital,
Kami’y napatutok sa radyo at telebisyon.

Kami, pati na rin ako’y ‘di makapaniwala,
Na ang “hari,” ang “Da King” ay nakaratay na walang diwa.

Pero mula nang malaman kong ika’y dinapuan ng aneurism,
Sigurado na akong mahina ang pag-asang ika’y magigising pa na may pag-iisip na pagka talim-talim.

Naging malungkot ang umaga ko nang masilayan ko ang balitang ika’y pumanaw na.
Ang hari, si Da King, ang panday, ang haligi, ay wala na.

At ayan, nagsulputan na, ang kaliwa’t kanang dokumentaryo ng iyong buhay,
Si FPJ: mabait, malinis ang kalooban, makabansa, mapagmahal, makamasa, at mahusay.

At ako’y napaisip ng malalim, siguro, you would have made a good president.
Kaya nga lang, sa pulitika dito, malabo talagang ika’y magiging president.

Tama na ang kwento ng ‘yong mga huling sandali’t,
Tayo na sa ihip ng hanging biglang pumalit.

Maraming salamat, ginoong FPJ,
At nakalimutan din namin ang mapait na sinapit sa Quezon.

Quezon: sangdamulag na mga nasalanta’t namatay ang madadatnan,
Sagisag na rin ng talamak ng katiwalian sa pamahalaan.

Kahit papano, marami na rin ang nakalimut na kriminal pala ang isang tao diyan,
Pare, maraming salamat.

Salamat, salamat talaga,
At nakalimutan na yata namin na hindi totoo ang masayang paskong ipinangako sa atin.

Dahil sayong pagyao,
Nalinis mula sa amin ang samu’t-saring problema.

Maraming salamat, salamat sayo haring FPJ,
‘Di na namin napansin ang mga “pagguho” sa mundo.

Tuesday, December 21, 2004

Lapus: sana ay may kwenta naman tong post ko...

kakabasa ko lang ng ibang blogs ng ibang grupo pati na rin ng ibang klase ni sir u. naku! walang wala talaga ang blog natin! ni hindi relevant mga post natin dito sa topics for discussion... hay... sana maging makabuluhan naman tong post ko ngayon...


note: inaamin ko na may blog rin ako at madami akong nasusulat doon. kaya nga lang, hindi ako sanay na magsulat para sa ibang tao. nahihiya kasi ako sa mga kababawan ko. at alam kong graded to kaya umuurong dila ko(or in this case, kamay ko sa pagt-type).


ok... eto na...


bukas, ililibing na si FPJ. sana bukas, ilibing na rin kasama nya ang paghihirap ng mga mamamayan. tutal, nakalimutan na natin ang mga nasalanta ng bagyo at ng bala, e bakit hindi pa natin ituloy-tuloy?


nagdalamhati ang masa para sa pagkamatay ng kanilang "tunay na presidente". asus! patay na nga pinagdidiinan pa ang sarili sa unang pwesto! ano ba naman yan?


pagpasensyahan nyo na ang aking pagkainis. sa totoo lang, biased talaga ako. hindi ko kasi gusto si FPJ. kahit bilang artista, ayoko talaga siya. tingin ko sa kanya, korny. jologs. mga action movies nya na pare-pareho lang ang storya. sa pagkakatanda ko, wala akong natapos ni isang pelikula nya na pinalabas sa tv dahil sa sobrang antok. (mahilig kasi manood ng mga tagalog movies ung yaya ko dati kaya naman nakakanood din ako.) at bilang presidente ng sobrang naghihirap nating bansa, wala talaga akong bilib sa kanya. siguro nga mas ok pa kung si susan roces ang tumakbo noon.


ngayong sumakabilang buhay na siya, kahit saan mo ilipat na local channel ang tv, iisa ang palabas. news tungkol s burol nya, talk shows na mga kaibigan nya ang guest, public affairs program na sya ang feature... waaaaaaaaahhhhhhhh!!! ayoko na!!!


nakakatamad na tuloy manood ng tv. yun pa naman ang inaasam asam ko ngayong bakasyon. ang makatutok sa tv buong araw na hindi ko magawa pag may pasok. hay... ang buhay nga naman... buti na lang may cable kami. pwede kong ilipat sa nickelodeon, disney channel at cartoon network... at least dun, hindi pinapakita si FPJ. pero medyo nagsasawa na rin ako kay dora... kasi puro na lang delicioso naririnig ko... hehehe! hay... matutulog na lang ako... puyat pa ako dahil sa simbang gabi.

Saturday, December 18, 2004

Lapus: UP Lantern Parade

Congratulations UP School of Statistics!!!

nanalo tayo ng most numerous participation! yey! ang lahat ng pagod ng paglalakad sa buong acad oval ng mahigit na tatlong oras ay napawi! whew!

Wednesday, December 15, 2004

(Chacón).to lei...

Ate lei! hallur! pwede na po un.ü

Tuesday, December 14, 2004

Lapus: Blogname

AJ, nagustuhan ko yung naisip mong blogname natin. Kaya lang, mahaba masyado para sa address. May naisip na ako: http://ablogforu.blogspot.com/ Ayos ba? Dahil para kay Sir U 'to diba?

Monday, December 13, 2004

(Chacón) Suhestyon ko para sa blog name.

1. U Blog It.
2. Makabagong Noypi.
3. Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino. (intimidating..hehe)
4. Halu-halong Web log: Panitikang Pilipino sa Ikabubuti ng Sambayanang Pilipino.

(Chacón)Masama ba ang alienation?

Natutunan natin mula sa PanPil 17 na halos lahat na lang ng bagay sa mundo, or dito mismo sa Pilipinas, at sa buhay natin ay lahat ALIEN sa atin. Mula religion, God, daily routines, mga goal natin sa trabaho,pera, at pati mga buhay ng Jollibee waitresses ay kontrolado umano ng alien things (concrete man o hindi)...Medyo pangit nga at halos lahat ng bagay ay alien sa tao. Pero, ano pa magagawa natin? Parte na ng buhay ang lahat ng mga ito. Tulad ng pera, sino ang pwedeng magsabi na pupunitin niya ang pera dahil alien eto sa atin (considering na papel lang naman ito eh, gawa lang ito ng tao, atbp)? Tsaka, mayroon din namang magandang epekto ang mga alien na bagay na ito sa sangkatauhan. Halimbawa, ang religion. Dahil sa relihiyon, marami pa sa mga tao ang mayroong sinusunod na mga magagandang values, norms, at practices. Halimbawang peyk at man-made lang ang religion...Hindi ba at ito ang nagtuturo sa mga tao na maging mabait?

Siguro, we should just learn to live with the alien things...Kahit anong daan (anyway), nandiyan na rin 'yan eh. PERO, DAPAT MAGING AWARE DAPAT TAYO SA MGA IBANG BAGAY NA ALIEN NA DETRIMENTAL SA MGA TAO AT DIGNIDAD AT VALUES NITO. Maging responsable dapat tayo.:) (BOW.)

Sunday, December 12, 2004

Lapus: walang kwenta

walang kwenta naman netong blog natin... diba dapat maayos mga posts natin dahil requirement to sa pan pil 17? e bakit hanggang ngayon, wala pa ring matinong blogname to? ewan ko ba!!!

nakakainggit tuloy mga blog ng ibang grupo... maliban sa meron silang blogname, meron pa silang mga posts na relevant... hay... ano ba to?

next time na nga lang... tatapusin ko muna assignment sa pp17...

(Chacón) Ano ba talaga iteng pop culture?!

Medyo di ko ata na-gets yung nasa readings kaya naghanap ako sa net...baka interesado rin kayo...

SOURCE: Wikipedia.

Popular culture, or pop culture, is the vernacular (people's) culture that prevails in a modern society. The content of popular culture is determined in large part by industries that disseminate cultural material, for example the film, television, and publishing industries, as well as the news media. But popular culture cannot be described as just the aggregate product of those industries; instead, it is the result of a continuing interaction between those industries and the people of the society who consume their products. Bennett (1980, p.153-218) distinguishes between 'primary' and 'secondary' popular culture, the first being mass product and the second being local re-production.

Definition

Popular culture is constantly changing and is specific to place and time. It forms currents and eddies, in the sense that a small group of people will have a strong interest in an area of which the mainstream popular culture is only partially aware; thus, for example, the electro-pop group Kraftwerk has "impinged on mainstream popular culture to the extent that they have been referenced in The Simpsons and Father Ted."

Items of popular culture most typically appeal to a broad spectrum of the public; it is only occasionally that they are esoteric, as for instance in freemasonry. Some argue that broad-appeal items dominate popular culture because profit-making companies that produce and sell items of popular culture attempt to maximize their profits by emphasizing broadly appealing items.

A widely held opinion about popular culture is that it tends to be superficial. Cultural items that require extensive experience, training, or reflection to be appreciated seldom become items of popular culture.
[edit]

Sources

Popular culture has multiple origins. A principal source is the set of industries that make a profit by inventing and promulgating cultural material. These include the popular music industry, film, television, radio, video game publishers, and book publishing.

A second and very different source of popular culture is the folkloric element. In preindustrial times, the only culture was folk culture, and popular culture did not exist. This earlier layer of culture still persists today, for example in the form of jokes or slang, which spread through the population by word of mouth much as they always have. The rise of the Internet has provided a new channel of folkloric transmission, and thus has given renewed strength to this element of popular culture.

The folkloric element of popular culture is heavily engaged with the commercial element; indeed popular culture might be defined as the kind of folkloric culture that arises under heavy commercial influence. To the repeated chagrin of the purveyors of commercial culture, the public has its own tastes, and it cannot always be predicted which cultural items sold to it will be successful and thus form the next ingredient of popular culture. Moreover, beliefs and opinions about the products of commercial culture (e.g. "My favorite character is Homer Simpson") are spread by word of mouth, and are modified in the process just as all folklore is.

A different source of popular culture is the set of professional communities that provide the public with facts about the world, frequently accompanied by interpretation. This includes the news media, as well as the scientific and scholarly communities. The work of scientists and scholars is mined by the news media and promulgated to the general public, often emphasizing "factoids" that have the power to amaze, or other items with an inherent appeal. To give an example, giant pandas are prominent items of popular culture; parasitic worms, though of greater practical importance, are not.

Both scholarly facts and news stories are modified through folkloric transmission, sometimes to the point of being transformed to outright falsehoods, known as urban myths (example: "the Eskimos have 50 different words for snow"). Doubtless many urban myths have no factual origin at all, and were simply made up for fun.
[edit]

Feedback loops

The creative workers in commercial music, film, and television, for example script writers, are of course themselves members of the culture at large; in fact, usually they are highly attuned members. As a result, there often arises a kind of feedback loop, as the folkloric side of the popular culture serves as an input to the commercial side.

To give an example: stereotypes about African Americans, which are widespread in American popular culture, form an important (and in the view of many, regrettable) influence on movies with African-American characters. These movies then propagate the stereotypes further, perhaps in exaggerated form.

A more harmless example is given above: it seems likely that the script writers for The Simpsons learned about Kraftwerk folklorically, by word of mouth from their friends and acquaintances. They then propagated the fame of this group to millions of others by mentioning it in a Simpsons script.

Wednesday, December 08, 2004

NAME NG BLOG

SUGGESTION KO: "U blog it." Tribute natin kay serr..hehe

Tuesday, December 07, 2004

Kahit ano

Groupmates,

Kahit anong pangalan okay sa akin, kayo na ang bahala. :D

Monday, December 06, 2004

ano bang magandang group name?

isip naman kayo o... para naman may dating ung blog natin... hehe!