Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Friday, February 25, 2005

(Chacón) EDSA at ang pagiging culturally popular ng edukasyon

agsayang ako ng 2 hours ang 16 mins of internet load...nakatulog kasi ako habang nag-iinternet...

Ang EDSA ay ipinagdiwang ko ngayong araw hindi lamang sa pamamagitan ng pag-isip nito....Hindi ako naghanda ng pagkain para dito....

NATULOG AKO NANG MATAGAL PARA IPAGDIWANG ANG EDSA...

HwekHwekHwekHwek!

Anyway, kaka-text lang ni Jolene...She sent me something (a quote) that I pondered on...Share ko lang sa inyo:

(Magandang analogy siya)

"Ang pag-aaral, parang beer. Mapait sa simula pero masarap na 'pag nasakyan. Masakit sa ulo at nakakaantok 'pag nasobrahan. Ang pagkakaiba lamang, mas mura ang beer. Kaya, inuman nalang tayo!"

Pwede rin ang beer pag-broken hearted ka...Pasensya na, ganito ko magsalita dahil na- basted palang ako after ng Valentines...hayy...after 2 sems of waiting...wahaha...impernes lumuha ako nung day na yun...pero heto, todo ngiti na ko ulit ngayon...

Anyway, share ko lang...para makalimot ng lungkot, bukod sa beer, pwede rin tayo kumain ng marami, magdaldal sa iba, at pagurin/keep ourselves busy sa maraming bagay para makalimot.

There's no such thing (emotion) na hindi natin pwede i-control...Kailangan lang talaga natin ng enough motivation para ayusin ang emotions natin...hehe...Psych 101...

Beer!

La lang...na-share ko lang.

POPULAR CULTURE AT EDUKASYON...

Pinag-usapan na rin ang edukasyon, naisip ko rin ang kaugnayan nito sa popular culture...Hindi ba at ginamit ng mga colonizers ang pagtuturo/edukasyon (isang bagay na laganap sa halos na lahat ng kultura) para mapasailalim nila ang mga natives....Kunin natin ang isang classic na example: Ang Pilipinas.

Sa pagdating ng mga Kastila, ilang Pilipino ang kinuha para turuan ng wikang Kastila - sila ang mga tinatawag nating ladinos. Isang halimbawa ng ladino ay si Tomas Pinpin...Sa pagkatuto nila ng Kastila, sila ay nahubog sa pamumuhay ng mga Europeo sa halip na Pilipino, at ayun, sila na ay napasailalim ng impluwensyang Kastila...Dinala rin ng mga dayuhan dito ang konsepto ng "paaralan at pamantasan"...ginamit din nila ito, para palakihin ang lahat ng mga Pilipino na kumilos tulad ng sa kultura ng mga Kastila, at hindi ang sa mga magulo't agresibong katutubo.

La lang...na-share lang.:)

Monday, February 14, 2005

(Chacón) Parody...

Wala lang...Baka interested kayo tingnan yung parody na isinumite ko kay Sir...Matagal ko na rin pinagiisipan na gagarin ang kantang ito, at sa PP17 ko lang ito nagawa...

Anyway, totoo naman lahat nang sinasabi sa parody na to eh (para sakin oo).

Migrate Tayo (Panggagagad ng “Biyahe Tayo”)

Ikaw ba’y naghihirap
Puro badtrip walang sarap?
Ikaw ba’y nasasalat
Kahit sa work laging banat?

Sweldo mo ba’y walang saysay
Pangkain lang, walang pang-mall?
Bawat piso ba’y pareho
Parang walang purchase(ing) power?

Tara na, layas tayo
Kasama ang pamilya
Barangay at buong tropa
At kumita todo-todo.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Napasyal ka na ba
Sa may Sulu at Basilan
Agusan, Tawi-Tawi
Cotabato’t Kidapawan?

Narinig mo na ba
Ang Abu Sayyaf at MILF
Pugot dito, kidnap doon
All in the name of plunder?

Tara na, layas tayo
Bilang nurses at caregivers
Nang makaiwas sa gulo
Kikita pa tayo ng milyon.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Hindi lamang po iyan
Sama mo pa ang libu-libong politiko
Ng mahal kong Pilipinas
Luho, korapsyon, sinungaling sila’y kilala
Sila pa ‘tong dayuhan sa sariling bayan.

Nasubukan mo na bang
Maglakad ‘pag gabi na
Mag-FX every after six
Mag-cellphone sa sidewalk?

Natikman mo na bang
Magahasa sa dilim
Maholdap ka sabay saksak pa
Ma-snatchan ka, ng iyong Nokia?

Tara na, layas tayo
Kung saan ipit pa tayo
Sa krimen at kahayupan
Ng ilan sa ating bayan.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

At alam mo rin ba
Dun (doon) sa bundok at probinsya
Komunista’t rebelde
Dumadagdag pa sa gulo

Nakotongan ka na ba
Ng komunista ng pera
Nawalan ng kamag-anak
Na “pumanik” na pala dun?

Tara na, layas tayo
Upang ating matamo
Kahusayan at kapayapaan
Na nararapat naman sa atin.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Tara na, layas tayo
Upang ating matamo
Kahusayan at kapayapaan
Na nararapat naman sa atin.

Halika, migrate tayo
Nang ating malanghap
Ang buhay sa first world countries
At hindi ang sa Pilipinas.

Halika, migrate tayo…

Wednesday, February 02, 2005

(Chacón) lei...

na intriga ako...naku totoo ba yan?! lalaki ulo ko..joke!!! sounds impossible...basta...

ano ba yan...natatakot na ako tuloy makipag-discuss sa ibang tao ng MGA CRAS ko baka marinig lang me nag ibang tao...naku....marami na atang nakarinig tungkol sa mga cras ko from the diff. colleges ng peyups...buti na lang may mga code names kami ng pren ko ng mga pangalan ng cras namin...hehehe...

Lapus: chismis... hehehe

alam nyo ba na sikat na sikat pala si AJ sa girl's cr sa gym? hindi ko sinasadyang marinig ang napakalakas na usapan ng dalawang babae sa cr at si AJ Chacon ang kanilang pinaguusapan! yihee! AJ ha! hehehe! basta narinig ko lang na ung isa sa kanila ay may crush kay AJ... yiheee!!!!

anyways, ang tagal tagal ko ng walang post dito... masyado kasing busy e! minsan lang makapag-internet at pagnag-iinternet naman, wala naman akong maisip isulat. gusto ko lang talaga dumaldal ngayon dahil nalulungkot ako. ang pagdaldal kasi ang aking way of releasing stress and sadness...

ayun, wish me luck sa apps' night namin sa Stat Soc... sobrang kinakabahan na kasi ako dun e! salamat ng madami!

chaca nga pala groupmates, basahin nyo na ung report natin para pag nagmeeting tayo, madali na lang ung division of labor... ok?

to amba: hindi po ako insomiac. antukin pa nga ako e! pero dahil nga hinihintay ko ung bro ko that night, hindi talaga ako pwedeng matulog pa...

ayun, sige, next time na lang ulit... masakit na naman ulo ko e! kulang sa tulog dahil sa kangaragan... hay...