Mga Matang Nagmamasid sa Hibang na Kulturang Pilipino.

Thursday, March 24, 2005

God bless sa grade natin sa PP17!!! ü

PP17 HULING PAPEL - MGA GABAY-TANONG
1. Anong uri ng alienation ang ipinakita sa aling mga eksena ng Last Order sa Penguin?
2. Sino ang tama sa debate sa dulo ng dula, si Tuxqs o si Sweet?
3. Gamit ang mga metodong natutunan sa "News Stories on Rape," suriin ang mga representasyon ng bakla at lesbiana sa dula.
4. Anong uri ng popular na kultura ang tinatangkilik ng mga tauhan at bakit? Ano ang sinabi nito tungkol sa kanilang pagkatao?

Tuesday, March 22, 2005

Lapus: pahabol

pwede pa ba? hmmm... ewan ko... pero magbblog pa rin ako... hehehe

Pacquiao

para sa akin, kahit natalo si Pacquiao sa laban nya nung Linggo, mananatili pa rin siyang pride ng Pilipinas. ganun talaga ang isang kompetisyon. may nananalo. may natatalo. ngayon, talo tayo. pero may pagasa pa rin naman sa rematch di ba? (sana nga may rematch...)

ayun, tungkol naman sa entry ni jayson tungkol din dito... nakakainis naman pala yang si Morales! nanalo na nga, ang yabang pa! kung si Pacquiao siguro ang nanalo, hindi naman un magyayabang.

un lang... nainis lang ako sa sinabi ni Morales...

nga pala, hindi ko napanood yung mismong laban nila. habang sila ay nagsusuntukan ay napakahimbing ng tulog ko dahil galing ako sa Challenge Day ng StatSoc... (dapat Challenge night to dawn ang tawag dun... hehehe) wala talaga kasing tulugan un. kaya naman ngayon, member na ako!!! wooohooo!!!

Lapus: papost lang ng survey... nyahahaha

anong masasabi mo sa sarili mo?
-- magaral ka na! at magisip ka ng mabuti para may magandang maisulat sa blog!!!

anong klaseng lalake ang type mo?
-- ung magpapaiyak sa akin sa sobrang tuwa, makakatagal sa mga kakulitan, kadramahan at kagagahan ko, tatanggapin ako kung sino talaga ako, magiging mabuti at tunay na kaibigan at magmamahal sa akin... nyahahaha! asa pa!

masaya ka ba pag kasama mo ung mga fwendz mo?
--shempre naman! super!

anong ginagawa nyo pag vacant?!
-- kumakain

pag maaga ang uwian nyo gumagala ba kau?
-- hindi

pag gumagala kau san kau pumupunta?
-- hindi nga kami gumagala ng mga college friends ko...

ano ang fav. sub. mo?
-- ummm... panpil17! (sipsip! hahaha)

may boyfRiend ka na ba?
-- wala

maarte ka ba?
-- depende

ano ang talent mo?
-- matulog at kumain

mahiyain ka ba?
-- medyo

ano ang ayaw mo sa isang fwnd?
-- kung may ayaw ako sa kanya, hindi ko sya friend

ano ang gusto mo sa isang fwend?
-- basta true friend dapat

cno ang crush mo? (foriegn,local,ordinary)
-- si mike tan

bakit mo cla naging crush?
-- gwapo. un na. hindi ko naman kasi sya kilala talaga e

ano ang madalas mong gawin?
-- dumaldal, kumain

ano ang pinaka ayaw mong gawin?
-- umasa sa wala

ano ang pinaka madalas mong sabihin pag nagulat
ka?
-- ay!

magaling ka ba mang asaR?
-- hindi

ano ang favorite mong color?
-- pink

humihilik ka ba pag 2log?
-- hindi

ano ang expression(s) mo?
-- my gosh! chuvaness... grabe! super!

naging tapat k bang fwend?
-- oo

my kina ka adikan ka ba?
-- surveys

nagmumuRa ka ba?
-- pag galit na galit na galit lang.... kaya kung nagmura ako, matakot ka na!

cno cno ang BEST FWENDS MO?
-- sila. hindi nyo naman sila kilala e! hehehe

sa mga best fwend cno ang pinagkakatwalaan
mo?
-- silang lahat

bakit mo xa pinili?
-- shempre. basta! haha

anjan k ba 2wing kylangan ka ng fwendz mo?
-- oo naman. ako pa!

ano ang fav. channel mo?
-- gma7 at disney channel

naging mabuti ka bang ate?
-- tanong mo kay Aja(yan talaga name ng kapatid ko...)

may ayaw k bang teacher?
-- ung prof ko dati. basta secret...

ano ang fav. fud mo?
-- chocolate, pizza

ano ang pinaka gusto mong aRaw? bakit?
-- kahit ano. parepareho lang naman yan e

ano ang pinaka ayaw mong aRaw?y?
-- wala

ano ang mga bagay na gagawin at hahamakin mo para sa mga best friends mo?
-- kahit ano basta para sa kanila

Lapus: deadline

ngayon na ang deadline ng blog... pwede na kaya ung mga post ko? bakit nga ba ako hirap na hirap magisip ng isusulat dito? sa totoo lang, hindi ko talaga maintindihan. ano bang meron ang blog na to at umuurong talaga ang daliri(dapat dila... hehehe)ko?

siguro ay masyado akong pressured na magblog. ung hindi lang dahil sa gusto kong magsulat/magdaldal kaya ako nagbblog pero dahil kailangan. mahirap pala talaga un. para akong nageexam sa tuwing nagbblog ako. parang wala tuloy total freedom sa blog. parang dapat sumunod ka pa rin sa iba. parang alienated ka din kasi may sinusundan kang mga topics na dapat bigyan ng opinyon o pagsusuri.

sabi nga ni sir at ng mga groupmates ko, "oh well no-el..."

Lapus: groupmates!!!

inedit ko na po ung mga post na walang apelyido sa title... sana ay maging ok ang grade natin dito sa blog...:)

Monday, March 21, 2005

(Chacón) Make peace, not war.

Ano ba yan?! Nagsasapawan na tayo dito sa blog ha?!

Kidding. Hindi ako galit ha...

Hay naku, blogging spree na kasi March 22 na bukas. Mamamatay na ang linya para sa blog.

Post pa rin kayo minsan kung trip niyo ha...Make kwento. Upload din kayo ng pics niyo mula next year hanggang magka-anak at asawa kayo, pagtanda niyo, pag cyborg na kayo, hanggang sa reunion ng mga anak niyo (na matanda't may anak na rin), hanggang sa apo niyo.

Make peace, not war. Happy blogging sa lahat.

Lapus: adik ako...

una, sa friendster surveys...

ito ay dahil mahilig akong dumaldal sa personal man o sa phone o sa text at shempre pati sa internet. hindi ako nagpapapansin kasi hindi ko naman pinipilit na basahin ng iba ang mga pinagsusulat ko dun. gusto ko lang ay magkaroon ng kahit indirect communication mula sa akin papunta sa mga friends ko.

pangalawa, sa blog...

may sarili akong blog na kung saan mas madami pa akong nadadaldal kaysa dito. dun ko nailalagay ang lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng naiisip ko at lahat ng nararamdaman ko. wala rin akong pakialam kung mabasa un ng iba kasi hindi ako nahihiya sa aking sarili. ako to e! walang kokontra!

pangatlo, sa chocolates...

sa umaga, Milo. sa merienda, Pillows. pag nagre-raid ng ref sa gabi, Samba. pag may pera, Mon Cheri o Toblerone Black. pag maginaw, hot chocolate. pag may umuwi galing ibang bansa, iba't ibang klaseng Hershey's at Cadbury. pag nag-aaral, kahit anong chocolate na available. basta kahit kelan, gusto kong kumain ng chocolate!!! may nabasa ako na stress reliever ang chocolate. kaya tamang tama un habang gumagawa ng papers sa PanPil17! hehehe

conlusion: adik ako sa mga produkto ng kapitalismo. ganun talaga... ang nakasanayan na ay mahirap ng tanggalin...

Lapus: Inggit ka? Gaya ka!

madami sa atin ang mga inggitero at inggitera. o wag mo ng i-deny! alam kong lahat tayo may bahid ng inggit kahit isang beses lang sa ating buhay. kung hindi ka naiinggit, susunod ka ba sa uso? kung kuntento ka sa kung anong meron ka, bibili ka ba ng mga kung ano-anong hindi naman talaga kailangan pero dahil meron ang iba ay dapat meron ka din?

yan ang nangyayari sa lipunan natin ngayon. maraming nang-iinggit kaya maraming naiinggit. kapitalismo lang ang pinakasimpleng tawag sa pang-iinggit at pagkainggit na yan. ang mga producer at advertisers ay tila nang-iinggit sa mga konsumer para tangkilikin ang kanilang produkto. iniinggit din nila ang kanilang mga kalaban sa industriya upang mas maganda ang labanan sa market.

isang halimbawa ang 24/7 Call and Text Unlimited ng Sun Cellular. ininggit nila ang mga konsumer sa "napakasayang buhay" na meron daw ang isang taong may 24/7 load/sim. at dahil din dito, naiinggit din ang ibang networks tulad ng Smart at Globe dahil unti unti ng lumilipat ang kanilang subscribers sa Sun. hindi linggid sa kaalaman natin na nagdemenda pa sila laban sa Sun dahil hindi daw un fair. e ano nga bang FAIR sa kapitalismo? wala di ba? kaya ngayon, may 258 at TM Todo Text at Todo tawag na rin sila... tsk tsk...

mga inggitero!!!

Lapus: Paborito ko din ang Parokya ni Edgar

kaya naman tuwang tuwa ako dati nung pinakinggan sa klase ang madaming kanta ng PnE. sumasangayon ako kay Dane sa entry nya tungkol sa kanila... kontra-pop nga ang music nila at napakagaling talaga ng panggagagad nila sa ibang kanta. hindi sila ordinaryo pero simple lang sila. parang kahit anong mangyari, kahit sobrang sikat na sila ay hindi pa rin sila yumayabang.

ilang beses ko na silang napanood ng live. unang una ay nung 3rd year HS ako. kahit may pasok kinabukasan ay nanood kami ng mga katropa ko sa Padi's Point Las Piñas (bagong bukas pa lang un noon at first time tutugtog ang PnE). sa harap na harap kami umupo para talagang kitang kita namin sina Chito, Buwi, Vinci, Dindin, Gab at Darwin. grabe! ang bait nila kasi kinakausap nila kami... hehehe!

pangalawa nung 1st year college ako. isa sila sa mga bandang tumugtog sa Bahay ng Alumni at sila pa ang finale. kahit sobrang bored na ako nun dahil walang kwenta ung ibang bands na tumugtog, nasulit pa rin ung P150 ko dahil sobrang galing talaga nila! at dahil kasama kong nanood ang pinsan ko at ang kaibigan nyang kapatid ni Led ng Kamikazee, nakapagpa-autograph pa ako sa kanila... grabe! speechless talaga ako nung kaharap ko na si chito at nagpapapirma na ako ng ticket! idol ko talaga siya!!!

isa pa ay nung UP Fair ngayong taon. sila lang talaga ang hinintay ko para mabuo ang Valentines kong sobrang lamig... hehehe! basta sila talaga ang paborito ko!!!

eto nga pala ang paborito kong kanta nila sa ngayon: (pabago-bago kasi e! hehe)

Ted Hannah

Para kang kape. di ka nagpapatulog
Parang kagabi, gising ako hanggang tanghali
Di ko nga man lang alam kung sino ka talaga!
Kailan kaya kita makikilala?
Paano kung nasulat na sa notebook ng tadhana
Ang kwento ng pag-ibig tungkol sa ating dalawa
Ang nais na mangyari ng tadhana para satin?

Para akong tanga, di ko man lang naisip
Na ang pangarap ay mananatiling panaginip makamtan ka
Paano ka tatama kung di ka tataya?

At paano kung may contest
Na sinet-up and tadhana
At ang unang papremyo ay ang makasama ka
Kung di ko man lang susubukan
Manalo sa Pa-raffle na tadhana
Tan tan tan tan


bakit ito ang fave song ko ngayon? kasi hinihintay ko pa ring dumating ang tao na kung kanino ako magiging alienated... hehehe

Sunday, March 20, 2005

(Chacón) Pelikula at Mood...

Pag mahilig tayo manood ng films with happy endings...Malungkutin tayo...

Ang vice versa...

Malapit na ang psych exams ko...Kaya medyo nagrereview na ko...May nabasa ako something about DEFENCE MECHANISMS ni Sigmund Freud...Sabi niya, kapag hindi natin nakukuha ang ilang sa mga kagustuhan natin, hahanap tayo ng ibang paraan para ma-satisfy ito..Eto ang iba't ibang uri ng defence mechanisms:

1. Repression - ililibing na lang sa "the unconscious" ang kagustuhang iyon.
2. Denial - hindi pagtanggap
3. Reaction Formation - expression of an opposite feeling
4. Projection - ibubuntong sa ibang tao.
5. Rationalization - pag-imagine na lang ng ibang bagay.
6. Intellectualization - tatanggalin ang closeness sa isang tao o bagay.
7. Sublimation - doing socially desirable activities to express aggressive tendencies (hal. pagpinta kaysa manggahasa)
8. Regression - doing childish activities is an example.
9. Displacement - umm...parang papalitan...parang ganun..hehe

Hwekhwekhwek!

Anyway, ang ginawa ng isang malungkuting tao ay ang defence mechanism na RATIONALIZATION...Sa konteksto nila, dahil mahirap abutin ang bagay na makapagpapasaya sa kanila, mag-iisip na lang sila ng ibang bagay na maaaring mag-satisfy ng kagustuhan nilang sumaya...Sa kaso ng maraming Pinoy, mahilig sila manood ng mga happy-ending films para matakpan ang mga kalungkutan sa buhay na nararamdaman nila...Sa pamamagitan nito, nai-identify nila ang sarili nila sa mga tauhan ng pelikula, at parang nararanasan na rin nila ang happy ending sa pelikula, na medyo mahirap mangyari sa realidad.

Sana may sense...Wahaha!

(Chacón) Ang Kapitalismo sa Internet...Plus ilang mga comments...

Oo.

Hay.

Popular culture ulet.

Pero bago ko talakayin ang gusto kong talakayin, magbibigay lang ako ng ilang comment...Dito ko na lang ilalagay yung ibang comment kasi hindi ko mahanap kung saang blog member yung nagsulat nung entry na nabasa ko...Nakakatamad hanapin kasi sobrang, as in sobrang, bagal na ng internet ko...

----Nakuha ko toh sa blog ni Sir U:(gusto ko lang sagutin)

"Pinatay nila si Robot. Pa'no 'yun makakalaban e wala na ngang binti?"

Sagot ko: Bakit? Hindi ba siya pwede humawak ng baril at machine gun gamit ang kamay niya? Kahit naka-wheelchair pa ang isang tao, pwede pa rin siya humawak ng baril di po ba?

----Tanong ko lang, sir, pano ako naging sexist? Oh well. No-el. If ever sexist man ako, hindi ako aware. Yan ang sinasabi ko sa psychoanalysis.

ANG TOPIC KO NGAYON, KAPITALISMO SA INTERNET...

Hindi natin alam, pero ang internet din ay bahagi ng popular culture sa Pilipinas...In the form of Capitalism pa...Pano ito naging bahagi ng popular culture? Unang-una, ayon sa depinisyon ni Bienvenido Lumbera, galing ang cultural forms na ito sa mga banyaga. Pangalawa, popular ito sa masa. Pangatlo, ang benefits nito ay napupunta sa banyaga.Yan ang capitalism sa internet. Pano ito naging capitalist? Gamitin natin bilang halimbawa ang Friendster at Blog, para naman makarelate tayo. Alam naman nating lahat na patok na patok ang blog lalo na sa Pilipino...In fact, ginagamit pa nga natin ito bilang proyekto sa PanPil17...Ang friendster, sobrang sikat din sa Pilipinas (lagi naman palpak!!! Soree, inis lang ako)...Anyway, ang mga blogsites at friendster ay nangangailangan rin ng maintainance, parang gusali, para maipagpatuloy ang operasyon nito. At siyempre, para ma-maintain ang mga site na ito, kailangan mag-hire ng techie technicians. At sa mundo natin ngayon,san pa tayo makakahanap ng technicians na mag-o-offer ng kanilang dugo at pawis, sa pag-maintain ng huge at complex sites tulad blogs at friendster, for FREE? Siyempre wala...Kailangan ng bayad dahil kailangan rin naman nilang kumain, etc...So ayun, kailangan din silang bayaran ng owners ng blog at friendster...Pero saan nila nakukuha ang pambayad? Dito na papasok ang mga advertisers...Pinapayagan silang maglagay ng ads nila sa mga sites in exchange for huge sums of money...Pero, para maka-attract sila ng advertisers, siniguro nila (owners ng websites) na maraming tao ang dumadalaw sa sites nila. So ayun, gagamitin nila ang kiliti ng masa para maenganyo sila na pumunta sa website nila...So sa kaso ng blog, gagamitin nila ang hilig ng mga tao sa pag-kwento ng kung anu-ano; sa friendster, gagamitin nila ang hilig ng tao na makipag-interact...At pagnakuha nila ang kiliting iyon, marami silang kikitain (pati na rin pagbayad sa maintainance) mula sa mga advertisers...

(Ang haba na ba?)...Anyway, ang punto ko ay, parang ginagamit lang tayo para kumita sila...Impernes, wala naman pakialam ang mga yan sa kung ano man ang kinekwento natin sa blog diba?Or kung ano ang nilalagay natin sa friendster profile natin? Dito na pumapasok ang usapin ng alienation...Alienated ang operators ng sites na yan dahil wala silang pakialam sa mga users nila...Ang alam lang nilang gawin ay kumita ng profits...

Sa mga hindi aware sa kapitalist system na toh, na laganap sa internet, alienated din kayo...Sapagkat, tulad ng sinabi ni Erich Fromm, mahilig tayong tumangkilik ng mga bagay-bagay, hindi naman natin alam kung pano ito gumagana...

Peace sa lahat, goodluck sa remaining days ng hellweek! See you around.:)

(Chacón) Groupmates!

SPECIAL ATTENTION: Dane (wala name yung title mo, requirement ni Sir na meron dapat)

Paalala lang, pakisigurado na may apilyido or name yung title ng entry niyo....para sure na may grade....happy discussion sa lahat!:)

Wednesday, March 16, 2005

(Chacón) Nawalan ba talaga ng communication sa Last Order sa Peguin? (Kung tatanungin ang Speech Comm ppl).

Ginawa ko na lang tong blog entry kasi wala naman atang nagbabasa ng mga comments...Anyway, naging comment ko toh sa entry ni Lei about Last Order sa Penguin.=)

Kung tatanungin niyo ang mga Speech Comm profs or Comm3 instructors, sasabihin nilang communication isn't equal to interaction...But, interaction is only a part of communication...

Meron din silang sasabihing quote (?!):

"You cannot not communicate."

Based on this, masasabi natin na hindi nawalan ng communication ang characters sa Last Order sa Penguin...Nawalan lang sila ng verbal communication, hindi nawala sa kanila ang non-verbal communication...Hindi porke hindi sila nag-usap-usap dahil nagtext sila ay nangangahulugan na nawalan ng communication...Oo, hindi nga sila nag-usap/communicate verbally, pero, nag-communicate palang sila non-verbally...The mere act of being quiet while texting, simultaneously avoiding conversation, and occurrences of "dead air (pauses)" communicates something such as: "I'm bored talking with you guys that was why I was texting."

CONCLUSION: May communication pa rin between the characters...Non-verbal nga lang...Nawala lang ang interaction...

Bukod sa PP17,mamimiss ko rin ang COMM3 ko...Hehehe...

sinagutan ko ung survey ni AJ...

I. Write your favorite color:PINK
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. cute
2. makikay
3. gurlash
II. Write your favorite animal/pet: wala e
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. n/a
2. n/a
3. n/a
III. Write your favorite city/town: Baguio
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. malamig
2. mataas
3. fresh air
IV. Write the name of your favorite body of water:lake
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. peaceful
2. hindi maalat
3. closed(basta may boundaries)

===(tiningnan ko ang results pero hindi ko pinalitan mga sagot ko... promise!!!)===
nyahaha! walang nakikita ang ibang tao sa akin. malamig talaga ang lovelife ko ngayon...(wala kasi e!) at napakapeaceful ng sex life ko! wahahaha!

Mga Gabay-Tanong para sa Huling Papel

PP17 HULING PAPEL - MGA GABAY-TANONG
1. Anong uri ng alienation ang ipinakita sa aling mga eksena ng Last Order sa Penguin?
2. Sino ang tama sa debate sa dulo ng dula, si Tuxqs o si Sweet?
3. Gamit ang mga metodong natutunan sa "News Stories on Rape," suriin ang mga representasyon ng bakla at lesbiana sa dula.
4. Anong uri ng popular na kultura ang tinatangkilik ng mga tauhan at bakit? Ano ang sinabi nito tungkol sa kanilang pagkatao?

(Chacón) Try niyo tong personality in Popular (Non-Technical/Jargonic) Psychology...

Sabihin niyo sakin kung kapanipaniwala, yung interpretation ay makikita po sa my (Comments) Section ng Blog na ito...

Here it goes:

I. Write your favorite color:_________________
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. _____________
2. _____________
3. _____________
II. Write your favorite animal/pet:_________________
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. _____________
2. _____________
3. _____________
III. Write your favorite city/town:________________
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. _____________
2. _____________
3. _____________
IV. Write the name of your favorite body of water:__________________
A. Give three descriptions (preferably adjectives) that describe it.
1. _____________
2. _____________
3. _____________

SEE THE INTERPRETATIONS IN THE COMMENTS SECTION...SALAMAT!

P.S. Alam kong may idea na si Amba nito...hehe...

Tuesday, March 15, 2005

(Chacón) Magpapasalamat na rin ako...

Hayy, patapos na lamang ang sem (actually tapos na PP17), kaya pahintulutan niyo akong magpasalamat sa lahat:

Lei- Ang lider ng group na matiyagang nagtype ng handouts nung reporting. Mabait. Pink na pink. Ayus ka-chat. Goodluck na rin sa iyong cras.

Jayson- Ang classmate ko sa duckpin bowling...Salamat sa mga naging kwentuhan natin...Matiyaga pa toh mag-research sa grupo...

Dane- Di ko makakalimutan ang turo mo sakin tungkol sa requirements sa med school: 15 units chem, 15 units bio, 10 units physics...Sana tama ang pagka-recall ko...

Amba- tuwang-tuwa ako dito dahil astig mag-joke toh. Mahirap nga lang makachat dahil laging nasa mga ***** sites este Ragnarok pala...Peace...At,naging classmate rin niya si toot...Hahaha...

Skyzx- proud ako dahil artistahin si Skyzx, ikaw rin ang naging pambato ng group sa mga contests nung Tolentino Dark Ages sa PP17...Di ko malilimutan ang boses mo...Hehe...Ang name pala niya is pronounced as "skisiks"--recently ko lang natutunan toh...

Trixie- proud din ako dito dahil artistahin din toh...Pinagmayabang ko pa toh sa parents ko nung nanood kami ng Vagina Monologues...Sabi ko sa kanila: "Groupmate ko yan sa PP17"...Smile ka lang dapat lagi despite of the...

Salamat naman at kayong ang naging groupmates ko!!! GOD BLESS SA INYO!

Add niyo ko sa friendster ha, scientifico_0729@yahoo.com...Sana maging classmate ko kayo somewhere in the future.:)

(Chacón) Psychoanalysis at si Rolando Tolentino...

Image hosted by Photobucket.com
Hmm...May point si Lei...Obvious naman na ayaw ko talaga sa author na yan nung una dahil ayun nga, medyo nalalabuan ako sa kanya...Pero, after nung defense ni Sir kung ba't ganun, medyo gumaan loob ko kay Rolando Tolentino...Hmm...Sabihin na rin nating malisyoso ang mga pinagsasabi niya...Pero, may punto din siya...Alam niyo ba na ang mga pag-uugali natin, na sa tingin natin ay parang "wala lang/ no malice" ay maaaring maging reflection ng the unconscious- bahagi raw ng mind natin na hindi tayo aware- natin? (Masyado bang jargon?) hehe..anyway, ang gusto ko iparating ay malamang hindi natin pansin na ang attitudes natin sa lipunang ito ay isang reflection lamang ng mga bagay-bagay na na-inject sa atin ng norms, values, at beliefs ng patriyarkal na lipunan...At sa pamamagitan ng "malisyosong" pagsusuri ni Rolando Tolentino, we are being made aware the things we are unconscious/unaware of...Tulad ng mga plots ng mga pelikulang Pinoy, I'm sure na hindi sinasadya ng mga direktor na maglagay ng puta't madonna na karakter. But, the mere act of including a conservative vs. liberated woman in the cast reflects how people in this society unconsciously classify women...

(Malabo ba? Parang Rolando Tolentino style? Sinadya ko yan para matuto kayo to read between the lines...tsarring!)

For example, showing a gentleman attitude towards women/girls may mean nothing to us...But, come to think of it, we are unaware that it is a symbolic gesture which stems from a patriarchal system, wherein women are considered weak/fragile/sensitive/whatsoever...Actually, we (men/boys) are taught to be gentlemen because it is said to be a good attitude...But, if a society will be egalitarian, wherein men and women are seen as equals, there will be no need for gentlemen, anyway, both are considered as equal naman eh...Hindi na mas fragile ang women sa lalaki, Hindi na mas sensitive ang women sa men...At hindi na mas weak ang women sa lalaki...Kung equal rin lang ang men at women, wala na rin lang dapat malice sa topless women...Pero dahil nahubog na nga tayo sa patriarchal society, hindi katanggap-tanggap ang mga sinabi ko before...hehe...

(yikes, nakakatakot ata kung maging totally equal ang men at women, di ko kasi kayang makipag-agawan sa mga girls ng upuan sa MRT!)

MAY SENSE BA? SANA MERON...Kung di niyo ma-gets...Take kayo Psych 101 ah...Maa-appreciate niyo toh pag natalakay niyo na ang Psychoanalytic/Psychodynamic Psych ni Sigmund Freud. Peace out lalo na kay Prof. (tama ba) Rolando Tolents! Impernes, unique author siya...Abangan naman natin ang libro ni Sir U.

groupmates!!!

gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat! at gusto ko ring manghingi ng tawad sa mga pagkakataong hindi ako naging magaling na lider...

basta ako'y masaya dahil nakilala ko kayo. :)

sana kahit tapos na ang sem ay magblog pa rin tayo... kwentuhan ng mga nangayayari sa ating mga buhay buhay... para kahit papaano, hindi tayo mawalan ng komunikasyon. ok?

God bless sa inyo!

~lei~

(Chacón) Reaksyon ko sa mga Tagalog chuva...

REACTION/OPINION KO LANG:
**Sa tingin ko, may malalim na tagalog pa rin, at ang malalim na tagalog ay yung hindi alam ng maraming Pilipino...
**May narinig din ako somewhere na ine-encourage tayo na isalin ang mga hiram na salita sa English language sa baybaying Pilipino...Tulag ng organisasyon, asosasyon, federasyon, bolpen, atbp...Pero wag naman sana lahat tulad ng mga sumusunod na halimbawa: erya, midya, rekord (parang kotse toh ng Opel ah), aykoniko, sikikal, at marami pang iba...Medyo mahirap kasi siya unawain sa unang pagtingin...At wala ang iba sa kanila sa mga diksyunaryong Pilipino...Ano naman kaya ang susunod na ibabaybay ? Dik? Syus? Bedsyit? Plaslayt? Banded? Aldyebra? Kosayn Teyta? Sayn Teyta? Gama reys? Awts!? Sidi pleyer? blag? brip? istepler? endyin? aydi holder?(meron na nga rin pakshet...yikes)...

Lapus: Ako ay Pilipino!?!

ako ay Pilipino. ipinanganak ako sa Pilipinas. mga magulang ko ay mga Pilipino. mga magulang ng

magulang ko ay mga Pilipino. ipinagmamalaki ko na ako'y Pilipino.

pero, Pilipino nga ba talaga ako?

e bakit hindi ako marunong mag-Filipino?

akala ko kasi may malalalim na salitang Tagalog. hindi lang pala talaga ako marunong

mag-Filipino...

tsk tsk

Lapus: bakit hindi ko maappreciate si Rolando Tolentino?

natalakay sa klase kung gaano kalabo ang mga pinagsusulat ni Ginoong Tolentino sa Richard Gomez.

ang hirap intindihin dahil sa mga ginamit na salita, paligoy ligoy na istorya at paghilis sa

totoong topic.

pagkatapos ng napakaraming speech ni Sir U,saka ko lang napagtanto na kaya hindi reader friendly

ang libro ay dahil gusto ng author na maging tunay ang kaalaman na ating natututunan. gusto nya

iparanas sa atin kung paano ang tunay na pagtuto. gusto nya na hindi tayo maging limitado lamang

sa libro kundi maghanap tayo ng mga paraan upang lalo itong maunawaan.

ngayon, kahit papaano, naappreciate ko na din sya...

Lapus: Himala... kasalanan ba?...

Himala
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala...


kasalanan ko bang magkaroon ng mga magulang mula sa Nueva Ecija na Tagalog ang gamit na salita?

kasalanan ko rin bang ipanganak at lumaki sa Maynila kung saan Tagalog ang wika?

kasalanan ko ba talagang walang maipasang bonus dahil wala na akong iba pang alam na wika bukod sa Tagalog at Ingles?

sana magkaroon ng himala... himala na maging marunong ako ng ibang wika ng bansa... para naman magkaroon ako ng bonus...

Lapus: hindi pa tapos ang mga paghihirap...

maliban sa 2 paper dito sa pp17 at sa komiks, meron pa akong 2 paper at sa psych101; 1 speech at 1 optional(baka hindi ko na talaga gawin) na paper sa comm3; 3rd exam at finals sa math55; 3 make up classes, 3rd exam at finals sa stat122; 3rd exam sa stat125; 1 quiz sa PE; and last but not the least, may Challenge Day pa kaming mga applicants sa StatSoc!

whew! pag natapos ko na lahat yan, makakahinga na ako ng maluwag. grabe noh?

pray for me ha? salamat! :)

Lapus: isa pa ngang order!

grabe! hindi ko narealize na kawalan ng komunikasyon pala ang nangyayari sa Last Order Sa Penguin. e parang ganun nga kami mag-usap ng mga kaibigan ko... shucks! ibig sabihin ba nun hindi kami nakakapagcommunicate? tsk tsk...

kung sa bagay, hindi na nga ako nirereplyan ng mga friends ko. dati-rati, konting hi lang, ang bibilis ng reply. ngayon, ni ha ni ho, wala! sa isang araw, average 3 quotes ang finoforward ko sa lahat ng Sun friends ko pero madalas walang nagrereply o nagfoforward ng quote sa akin. bakit kaya? feeling ko tuloy wala ng nagmamahal sa akin...:'(

basta natuwa pa rin ako sa pagbasa ng Last Order Sa Penguin. sana nga napanood ko ung play nun...

Sunday, March 13, 2005

huwag po kayong mahiyang magcomment sa mga entries namin... at pwede rin kayong magtag sa tagboard sa baba...

enjoy! :)

(Chacón) Vagina Monologues: Usapang Puki

Dane: Ako rin napa-"Oh well" nung makita ko yung results ng exams...Sabay shet...Tsktsk...Oh well...

Lei: Uyyy, tinatadtad mo na ng entries yung blog ah...Sana magawa ko rin yan...

Anyway, nanood ako ng Vagina Monologues nung Friday sa Guerrero...Tatlo ang dahilan kung ba't ako nanood:

1. Cast si Trixie sa monologues.
2. Personal kong nakausap si Tony Mabesa (hehe) at sabi niya manood daw ako nun...
3. Sikret na lang yung isa...

Hmmm...Ang expectation ko ay isang nakakatawang presentation ang Vagina Monologues ni Eve Ensler, si Tony Mabesa kasi ang director, at sobrang nakakatawa yung "Komedi" niya...Medyo nabagot ako sa ibang part kasi di ako natawa...PERO, kahit hindi masyado nakakatawa yung play, sobrang educational nito...Pinakita sa Vagina Monologues ang sinasapit ng karamihan sa kababaihan (mula sa pagkabata hanggang sa sukdulang pagkamatanda), sa loob ng lipunan natin, na patriyarkal...Pinapakita doon ang mga kaso ng babae na inaabuso ng kalalakihan, ng mga mas matanda sa kanila, pati na rin ng mga lesbiana. Pero, parang hinihikayat na rin sa play ang mas pag-explore ng babae sa kanilang sexualidad. Kumbaga, mapantayan nila ang lalaki. Ang Vagina Monologues rin ay nagsisilbing boses ng kababaihan laban sa mga norms at mga dikta ng patriyarkal na lipunan...Halimbawa, binigyan dito ng pagkakataon ang mga babae para talakayin ang kanilang sexualidad na noo'y hindi nila nagagawa (sapagkat pinagbabawal ng dikta ng lipunan pati na rin ng relihiyon). At, pinapakita rin dito ang kahalagahan at pagiging isang supreme being ng kababaihan sa mundo, dahil ito sa kakayahan nilang manganak (impernes, mahirap nga naman talagang manganak pero nakakaya pa rin ito ng babae)...

In short, igalang natin ang kababaihan.

P.S. Congrats Trixie! Nag-stand out (as in literal na nag-stand out ang boses mo)...As in pinagmayabang pa kita sa mommy at sis ko na: "Uy, yung girl na yun, groupmate ko yan sa PP17!!!"

Lapus: Last Order sa Penguin

nakakatuwa basahin ang Last Order sa Penguin. para kasing mga totoong tao lang ang naguusap. medyo ganyan kami magusap ng mga kaibigan ko minus lang ung mga usapan tungkol sa sex. masyado pa kaming bata para pagusapan ung mga ganung bagay. nyahahaha! at nakakatuwa ung kwento parang nagkukwento lang talaga. basta parang ako pag dumadaldal ako...

Lapus: Diego, ang pambansang bading

nung thursday, mga bakla ang pinagusapan sa klase. at nasabi pa ang pangalan ni Diego. naalala at namiss ko tuloy ang bestfriend ko... take note, babae po ang bestfriend ko. nung highschool kasi, gayang gaya nya ang boses ni Diego. kaya naman naging nickname nya un sa classroom. at may pagka-babaeng bakla din sya...

anyways, speaking of mga bakla, para sa akin kasi wala naman talagang masama sa pagiging bakla ng iba. e un ang gusto nila e! why not? e kung ako nga minsan parang bakla ako kung magsalita. puro chuvaness and all that chorva ang maririnig mo sa akin. kebs ko ba sa sasabihin o iisipin ng iba! e hindi ko masabi o maisip ang tamang term na dapat gamitin ko kaya puro kaekekan na lang nasasabi ko. chaca nahahawa lang din aketch sa kung aning aning na pinagsasabi ng ibang tao... hehehe!

Lapus: nerd

mukha na talaga akong nerd!!!

kailangan ko na kasing mag-glasses dahil lagi na akong nahihilo sa pagkalabo ng right eye ko. 125 na ung grado nya nung pinacheck up ko kanina. at ung left, ok pa sa alright. kaya talagang hilo ako lagi dahil sobrang layo ng grado nila!

hay... sabi ni papa nalilito na daw sya sa amin ni mama dahil pareho na kaming nakasalamin at lalo kaming nagkamukha. kaya ang dapat nyang tingnan ay ung ngipin dahil ako may braces, si mama wala.

mas lalo pala akong nagmukhang nerd dahil may braces pa ako! waaaaaahhhh!!!

wish ko lang hindi lang ako maging poser na nerd ako... sana totoong matalino ako... hehehe!

nga pala, pink ung frame na kinuha ko... hehehe! adik!

Wednesday, March 09, 2005

Lapus: options... edit...

tama na ang pagkukunwari. maging totoo ka sa sarili mo. wag mo ng i-deny. alam mong may regrets ka pa rin...

tama bang kausapin ang sarili? waaaaaaahhh!! naloloka na ako!

oo na. inaamin ko na. nagsinungaling ako. may regrets pa rin pala ako. pinagsisisihan ko na naging masyadong malapit ako sa isang tao at sa huli ay nasaktan ko siya at pati na rin ang sarili ko.

kung mababago ko lang ang nangyari, hindi ko na hahayaang maging komplikado ang mga bagay bagay. hindi na ako papasok sa isang sitwasyong lalabasan ko rin agad.

sana cellphone na lang ako para may option na EDIT... o DELETE na lang...



ang entry na ito ay inspired ng discussion sa panpil17 nung lunes...

Lapus: tama ang hinala ko

tumaas nga ako sa 2nd exam compared sa 1st...











by ONE POINT!!! hahaha! o well, at least di ba?

Monday, March 07, 2005

(Chacón) Bikol bikol bikol...

Bikol po ang aking regional language...Impernes, na-realize ko na matagal ko na pala hindi nae-ensayo o narinig ang mga pangungusap sa bikol...nahirapan tuloy ako mag-translate...

Anyway, share ko lang, may advantage din matututo ng ibang wika, pwede mo kasing pag-chismisan ang ibang tao, sa harap pa nila mismo, na wala silang naiintindihan--parang secret code kumbaga...

Haha...Naaalala ko ang isa kong experience...Nang bigla akong magsalita ng bikol noon sa tumawag sakin sa cellphone, na-shock yung kasama ko at napatanong: "Marunong ka mag bahasa (Indonesia)?"...Medyo magkatunog kasi ang bikol (atbp. rehiyonal na wika) at Bahasa Indonesia...

Astig din magbiro gamit ang wikang bikol, nakakatawa kasi talaga ang tono.

Ang bikol language daw ay may bahid daw ng Polynesian, Visayan, at Japanese (ata?!) languages...Ang bikol naman sa lugar ko, Sorsogon, ay hindi purong bikol, may impluwensya ito ng Bisaya...At dahil din sa kolonisasyon, maraming salitang kastila ang naging bahagi na ng bikol. Kung tutuusin, mas maraming Spanish verbs(verbos) ang nahalo sa bikol kaysa sa Tagalog (Hal. Preparar, Abrir, Gastar, Limpiar, atbp.). Medyo marhinalisado ang bikol ng mga taga-Sorsogon, kung dadayo kami sa ibang mga mas maunlad at urbanisadong siyudad sa Bikol (halimbawa: Naga City at Legazpi City).

Ngayon ko lang na-realize na unti-unti na palang nagiging marginalized ang bikol language...Naaala ko kasi nung elementary (hanggang highschool) ako, hinihikayat kami ng mga guro na tanggalin (totally) ang Bikol at ensayuhin namin ang paggamit ng Tagalog (wala akong naging problema, matagal na kasi akong sanay...pero yung mga kaibigan ko..naku...hehe)....May punto rin sila: hinihikayat nila ang lahat na umanib sa Tagalog para maging isa na lang ang identidad ng mga Pilipino--kung mawala kasi ang mga regionalism dito, mas magkakaisa lalo ang mga Pilipino...Pero hoy, dapat ginagalang at preserve pa rin ang diversity ng kultura sa Pilipinas...May advantage rin impernes ang pagkakaroon ng maraming wika ng isang bansa...Napanood niyo na ba yung "Windtalkers"...So ayan, pagnagka-gera, pwede natin gamiting yung mga regional languages sa pag-transmit ng secured info...hehe...

Saturday, March 05, 2005

Lapus: pangungumusta...

alam kong medyo late pero gusto ko lang itanong kung kumusta naman ang pangalawang mahaaaaaaaaabang exam niyo?

ako, mas ok kaysa sa unang exam... dahil mas madami akong nasagutan sa 2nd kaysa sa 1st... at sana ok naman ang makuha kong grade dun... :)

groupmates, post nyo na lang dito ung mga sagot nyo ok? let's make our blog interactive! nyahahaha!

Lapus: So Much For My Happy Ending...

naisipan ko lang magblog muna habang naghihintay ng matagal sa pagdownload ng mga mp3 na hiningi ng mga mems ng StatSoc para sa ScavHunt namin... hay... 2nd to the last na nga lang to, pahirapan pa rin! hay... nakakastress! sobra! gusto ko tuloy manood ng sine! hehehe

speaking of sine, sabi ko sa klase nung thursday, mahilig ako manood ng pelikulang may happy ending para naman sumaya ako. hindi naman sa malungkot ang buhay ko. sa kantunayan, napaswerte ko nga at ako ay nabiyayaan ng isang mapagmahal na pamilya. walang problema at masaya. wala rin naman akong problema sa mga kaibigan ko dahil alam kong mga true friends sila. at wala akong problema sa lovelife kasi wala naman ako nun! hehehe! malamang ay sobrang stressed out ko lang talaga sa acads at sa org. isama pa natin ang mga katam-phases ko! hehehe!

ayun nga... hindi naman talaga ako malungkot pero bakit mahilig akong manood ng mga happy ending? ito ay dahil may pagka-idealistic ako. shempre ang ideal na mangyayari sa pelikula ay ung magkakatuluyan ung mga bida diba? kaya naman natutuwa ako sa mga ganun. at chaca mahilig ako sa mga kilig moments. basta kakaiba ako kiligin. hehehe! ewan ko ba kung bakit simula ng nagaral ako sa UP, wala na masyadong kilig moments ang nangyayari sa akin... kaya nga rin siguro sa mga pelikula na lang ako kinikilig... hehehe!

napansin ko lang, medyo contradicting ang favorite movie ko sa pagkahilig ko sa happy ending... kasi fave ko talaga ang A Walk to Remember. pero hindi ko naman masabi na happy or sad ending yun. namatay kasi si Jamie(Mandy Moore) sa ending pero hindi pa rin naman ganun kalungkot dahil may magandang nangyari naman kay Landon(Shane West). basta! ang weird ko talaga!

just thinking, kasama kaya 'tong entry na to sa mga valid entries para sa Blog?

sana... :)